Magdalawang linggo magmula ng pumunta si Amari sa Pangasinan at dalawang linggo na rin siyang kinulit nina Zeke at Zion tungkol kay Amari. Dalawang linggo na tumatawag siya sa condo nito pero ring lang ng ring walang sumasagot kahit pa ang cellphone nito hindi rin sinasagot. Hindi niya na alam ang iisipin ngayon. Parang masisiraan siya ng ulo sa kakaisip at pag- aalala sa lalaki. Sinubukan na rin niya kuntakin ang kaibigan nito si Gabriel pero kahit ito man ay wala rin matinong isasagot kung na saan si Amari. Gustong gusto niya ng puntahan sa Maynila pero pinipigilan niya lang ang sarili. Iniisip niya lang palagi na busy lang ito at kapag hindi na ito busy tatawagan rin siya ni Amari. Hihintayin niya pa rin ang tawag nito.
Pero ang paghihintay niya sa tawag ni Amari inabot ng isang buwan. Gabi-gabi niya rin ito iniiyakan bakit hindi na ito tumatawag at nag abalang kamustahin siya ni Amari. Pero lagi naman ito pinapadalhan ng regalo ang mga kambal pero pagdating sa kaniya wala. Anong nagawa niyang kasalanan dito. Bakit siya iniiwasan ng lalaki. Nangyari na ba ang kinatatakutan niya na nagkabalikan sila ng dating asawa. Sana man lang na inform siya para hindi siya mag-alala. Sana pinaalam sa kaniya. Kahit walang level ang relasyon nila masakit pa rin iyong basta ka na lang tinalikuran na walang pasabi.
Tumunog ang doorbell sa labas. Walang siyang ibang choice ang labasan ito. Nasa school pa ang mga bata. Si tatay naman pumunta sa isang anak nito. Mag-isa lang siya sa bahay. Minabuti rin iyon upang walang makakita sa pamumugto ng kaniyang mga mata. Muli na naman tumunog ang bell sa gate. Tumayo siya kaagad. Bigla niyang naramdaman ang pag blurd ng paningin. Marahil sa kakaiyak at kulang sa tulog kaya siya ngayon nakaramdam ng pagkahilo. Ilang araw na kasing masama ang panlasa niya. Lahat ng pagkain nasa harapan hindi niya magustuhan. Sumasakit ang ilong niya sa amoy daig niya pa ang naglilihi. Speaking of paglilihi. Dalawang buwan na siyang hindi nadatnan. Pinawisan siya ng malagkit. At panunuyo ng lalamunan.
Pinipilit niyang bumuti ang pakiramdam para puntahan ang tao sa labas ng gate. Maya-maya lang ay bumalik sa dati ang pakiramdam niya at minadaling tinungo ang pinto. Gaya ng dati padala galing kay Amari. Marami ng mga nakakahon dito na hindi niya pa nabubuksan pero ang mga naunang kahon ay nabuksan na dahil sa pangungulit ng kambal.
"Sino iyan?" Naghihinang boses.
"Ma'am, pakipermahan po nito padala po." Ito pa rin lalaki naghatid ng mga naunang boxes.
"Ibalik mo na sa nagpadala niyan. Sabihin mo sa kaniya ang sasabihin ko. Huwag na siya magpapakita kahit kailan at hindi na namin siya kailangan. Isa pa, tigilan niya na ang pagpadala kung ano-ano dahil susunogin ko rin lang naman iyan!" Sabi niya, sabay sarado ng gate. Nagpupuyos ang dibdib niya sa sama ng loob. Kung ayaw niya na sa akin mas ayaw ko rin. Hindi namin siya kailangan. Hindi..
Tama nga hinala niya dalawang buwan na niyang dinadala ang anak ni Amari. Bakit hindi niya iniisip na pwide siyang mabuntis. Bakit hindi siya gumamit ng pills kahit paano safe siya. Gulong gulo na siya. Anong gagawin niya ngayon? Sasabihin niya ba kay Amari na magkakaanak sila. Tapos ano babalikan siya dahil magkakaanak na sila? malaking katangahan ang gagawin niya. Bakit niya ipipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kaniya.
"Inomin mo lang ito mga bitamina ibinigay sayo ng oby mo.. anong plano mo ngayon diyan?" Nasa klinik siya ngayon ni Samantha. Katatapos niyang lang umiyak.
"Hindi ko alam...." Hikbing sagot niya dito.
"Pagnakita ko talaga iyang lalaking iyan pupotulan ko siya ng bayag sa pananakit sayo. Pasalamat siya at hindi kami nagkatagpo ng nandon siya sa bahay mo." Gigil na gigil na sabi nito. Naninikip ang kaniyang dibdib ngayon. Hindi niya alam ang gagawin ngayong buntis siya at paano niya ipapaliwanag sa pamilya ang pag dalangtao niya ulit at mukhang sa pangalawang pagkakataon wala namang ama na isisilang ang sangol.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
General FictionAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020