TBM 26*

194 4 0
                                    

Violet POV

Walang nagawa si Violet ang lisanin ang lugar matapos siyang kaladkarin ng gwardya palabas ng vellage. Dahil sa report na masama siyang tao at nag eskandalo. Well... Masama naman talaga siyang tao. Makikita ng babaeng iyon kung sino ang kinalaban niya. Hindi siya papayag na basta na lang agawin ang nararapat sa kaniya. Siya parin ang may karapatan dahil mag-asawa pa rin sila ni Amari. Malalaman ko rin kung sino ka at paano ka alisin sa landas namin ni Amari. Okay na sana kung hindi ka lang umeksena sa buhay namin ni Amari.

Masakit ang buong katawan niya dahil sa mga bwisit na mga hamapaslupang iyon. Humanda kayo sa akin at babalikan ko kayo. Bwisit! Kaagad naman pumara ng taxi si Violet para makalayo na sa bwisit na lugar na iyon. Alam niyang matapos ang araw na ito ay hindi na siya muli makakapasok pa sa vellage. Diyan sila nagkakamali kapag gusto maraming paraan pero pag ayaw may dahilan. Wala silang magawa, kung gustong kong bumalik sa lugar na iyon. Hindi siya titigil hangga't hindi bumabalik sa kaniya si Amari at lumayo sa babaeng iyon. Gagawin niyang imperno ang buhay ng babaeng iyon. Hanggang ito na ang kusang lumayo for good.




"Bwisit!" Mainit ang ulong binagsak ang pinto ng apartment
Pagkapasok. Pagtataka naman ang nasa mukha ng kaibigan.



"Hey, what happened to you, Violet?" Sinamaan niya ito ng tingin.



"Alam mo ginawa sa akin ng kabet ng asawa ko. Pinaladkad niya ako sa gwardiya ng village! Aahh!!" Nagsisisigaw sa galit si Violet. Gigil na gigil talaga siya sa nangyari sa kaniya kanina. Ang ayos- ayos ng damit niya tapos kaladkarin lang siya ng gwardiya na walang pag-iingat at sa maraming tao pa. Damn!



Embes na maawa sa kaniya ang kaibigan tinawanan lang siya nito. Mas lalong nagpapainit ng kaniyang ulo.

"That's why, you came with me here in Pangasinan. Just because of your husband's lover! Are you really out of your mind?" Hindi makapaniwalang sabi nito sa kaniya. Since high school pa lang ay magkaibigan na sila ni Danika. At alam nito ang mga nangyayari sa kaniyang buhay.



"Yes, I said, before that I will fix my marriage with Amari... Na handa na ako!" Pero hindi na mangyayari ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Amari. Kung mayroon na itong ibang kahihibangang babae. That girl! That girl na sisira sa mga plano niya.



"Kaya lang... It's too late for you and Amari! Sana noon mo naisip iyan nong panahon patay na patay pa siya sayo. And now you want him back to you. Violet? Malabo pa sa ilog pasig ang gusto mong mangyari." Tama si Dani. Pero hindi siya titigil hangga't hindi babalik sa kaniya si Amari. Gagawin niya ang lahat maibalik lang ang pagmamahal nito sa kaniya.



"I know Dani... But, Amari still loves me. He's just pushing me away because of that girl... But if that girl disappears from Amari's life. He will love me again... Babalikan niya ako?" Desperadang sabi niya dito. Hindi alam ni Dani ang iisipin ngayon sa mga kinikilos ng kaibigan. Sarili lang nito ang pinapaniwalang mahal pa siya ng lalaki.



"Bakit hindi kana lang lumayo ulit gaya ng dati. Pumunta ulit tayo sa abroad gaya noon. Galit ka lang ngayon dahil sa natuklasan mo na may ibang nag link sa asawa mo. Di'ba sabi mo sa akin hindi mo siya mahal. Hindi mo siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa boyfriend mo noon." Ngumiti siya ng mapait at bumabalik ang nakaraan na hanggang ngayon masakit pa rin sa kaniya. Bakit nagagawa niyang sumaya sa kabila ng lahat ng atraso nito sa buhay ko. Sa kabila ng pagsira nito sa buhay ko noon. Bakit hindi ko rin sirain ang buhay nila. Hindi lang ako ang magdurusa sa nakaraan dapat si Amari rin. Pagsisihan niya rin ang lahat ng mga kasalanan nagawa sa akin.



The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon