TBM 23*

211 4 0
                                    

Violet

"Hindi ako papayag na maagaw siya ng iba. Hindi ang babaeng iyon! Never!" Nilulunod ni Violet ang sarili sa alak. Mag-isa siyang umiinom sa bar. Pinagsisihan na niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa noon. Oo, inaamin niyang masyado siyang immature that time. Pero habang tumatagal ang pagtira niya sa abroad naisip niyang mali ang mga nagawa, na mas gusto na niyang magseryoso sa buhay at kasama roon si Amari. Na-realize niyang mahal na pala niya ang asawa.




Masyado siyang nabulag sa galit at sama ng loob ng malamang bininta siya ng kaniyang pamilya kay Amari. Bata pa siya noon at marami pa siyang pangarap pero dahil sa pagpapakasal niya kay Amari nawala lahat ang pangarap niya at ang taong pinakamamahal. Naka ilang shot na siya ng alak at medyo nakaramdam na siya ng hilo.



Flashback:

"What did I hear, mommy, daddy?" Galing siya noon sa eskwelahan. Dalawang taon na lang ay magtatapos na siya sa pag-aaral.




"Ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko mahal!" Nabalitaan niyang pinagkasundo sila sa anak nitong kaibigan upang maisalba ang negosyong nilang palugi na.





"Yes, Violet... That's the only way for us not to suffer and when you're married you won't have to think about anything else." Umiling siya at hindi mapigilang maiyak. Ayaw niya pa mag asawa. Bata pa siya at hindi niya rin mahal ang lalaking pakakasalan niya. Kahit anak pa ito ng bilyonaryo.




"I don't love him daddy... Mommy! Please, don't do this, there is another way!" Nakikiusap niyang sabi at lumuhod pa siya sa paanan ng mga ito huwag lang siyang ipakasal sa lalaking iyon. Minsan na niya itong na meet, ay ayaw niya dito dahil masyado itong seryoso at strikto. Baka diktahan lang nito ang buhay niya at kuntrolin sa kahit anong gawin.






"Shut up! Violet! Sa anong paraan ha? Mahal ka ni Amari at lahat ng luho mo maibibigay niya kapag kasal na kayo. At ang negosyo natin ay maibabalik sa dating sigla. Iyon ang pangako niya sa akin!" Pagpilitan ng kaniyang ama na ngayon ay galit na.





"Anak, Violet... Tanggapin mo na lang. Para rin ito sayo. Matutunan mo rin siyang mahalin kapag nagsama na kayo sa iisang bubong." Wika ng kaniyang ina. Hindi pa rin niya matanggap sa utak ang lahat.





"No! I don't want to get married! No!"
Mariin niyang pagtanggi. Parang madurog ang buong pagkatao niya ng sampalin siya ng ama. Shock naman ang kaniyang ina sa ginawa sa kaniya ni Daddy. Buong buhay niya ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay ngayon lang...




"Wala kang utang na loob! Whether you like it or not, you will marry him. If I have to drag you to church, I will! Did you understand?" Naiwang nakatanga si Violet. Wala na siyang magagawa pa. Wala na siyang takas pa sa ama. Masama ang loob niyang umalis ng bahay.




"Violet! Totoo ba? Magpapakasal kana ha?" Si Brayan. Dalawang taon niya itong boyfriend mahal na mahal nila ang isa't- isa. Wala na siyang ibang mamahalin kundi ang lalaking nasa harapan. Lahat binigay niya kay Brayan kahit ang pinakiingatan niyang putli ay binigay sa lalaki patunay na mahal niya ito. Marami silang pangarap pagkatapos sa kolehiyo. Pero mukhang hindi na mangyayari iyon. Dahil sa lintik na kasal.




"Whatever you heard is true! I'm getting married to the man they chose." Nakita niya ang pait sa mukha ni Brayan parang madurog ang puso niya. Mahal niya ang lalaki. Ito ang mundo niya at nagpapalakas ng loob niya.



"Paano tayo? Paano ang mga pangarap natin?" Hindi niya rin alam. Wala siyang maisip magulo ang kaniyang isipan. Hindi siya makakaalis ng bahay na walang bodyguard na kasama. Para siyang preso sa sitwasyon ngayon. Sinisigurado ng kaniyang ama na hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakahiya nito.




"Itanan mo ako, Brayan, ikaw ang mahal ko. Hindi ang lalaking iyon!" Sabi niya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi niya yata kayang mawala ito sa buhay niya at kahit na magkahiwalay pa ay napakasakit.





"I hate you! what did you do to my boyfriend! I love him!" Napasugod siya sa lalaki ng mabalitaan ang nangyari. Hindi siya sinipot ni Bryan sa tagpuan. Para sana magtanan at magpakalayo-layo. Pero hindi ito dumating. Galit na galit niyang sinugod ang lalaki ng maabotan niya ito sa bahay kausap ang ama.





"Ano sa tingin mo gagawin ko? I'll just leave you to that man. I have a lot to lose, if I let you.." Naguguluhang napatingin siya sa ama. Sumakit bigla ang ulo niya sa narinig.



"Daddy, What does he mean that this man will lose a lot if he lets me?" Tanong niya sa ama. Habang nakatingin sa lalaki. Nang hindi agad sumagot ang ama. Muli niya itong tinanong.



"Daddy, Answer me!"





"I will answer my dear wife. Yes, I bought you from your parents. When I found out that you and your boyfriend were planning escape from me. I immediately took action and gave him ten million. He just stays away from you. He accepted. So you're mine now!" Sinugod niya ito sa galit niya. Hindi siya makapaniwalang kaya siyang ipagpalit ni Brayan sa pera at lalo na ang mga magulang niya. Masama ang loob niya sa lahat at kahit sa buwisit na lalaking ito. Dadalhin niya habangbuhay ang sama ng loob at poot.





"I hate you, Amari Dela Fuentes! You can own my body, but you can't take my heart. It will only love one person, none other than my boyfriend. I'll never love you, you're just a bug in my life! Until my last breath!"

End of Flashback

Hindi siya papayag na makuha ng iba ang pag-aari niya. Gagawin rin niya ang ginawa sa kaniya ni Amari noon sa buhay niya. Mula ng makasal sila ng lalaki hindi na siya sumaya ulit. Lalo ng malaman niyang kinasal sa ibang babae ang boyfriend niya. Napakasakit isipin na lahat binigay niya dahil sa pagmamahal. Pero dahil lang sa Ten Milyon pinagpalit na siya agad. Lasing na lasing na siya.





"Like me, you can't be happy either. You will regret everything! You ruined my life I will destroy you, Amari. I swear! HAHA!"








"Sinira mo buhay ko... Sisirain din kita... Hindi ako papayag na mag-isa lang ako better! Gaya ko maging miserable rin ang buhay mo! Amari!?" Daldal na siya ng daldal. Hanggang ngayon hindi niya pa rin magawang mapatawad ang sariling pamilya matapos ang pag betrayed sa kaniya.






"Alam mo bakit ako bumalik kasi... Naniniwala ako sa sinabi mong maghihintay ka sa akin... Pero bakit ngayong bumalik na ako. Ayaw mo na sa akin.. dahil ba sa babaeng iyon. Kung ganoon tatapalan ko rin siya ng ten milyon! Heck! Heck!"





"Ma'am, lasing na po kayo at magsasarado na po kami." Kausap sa kaniya ng lalaki.





"Tse! Hindi mo ba ako kilala, ha? Asawa ako ng bilyonaryo! Sasabihin ko sa kaniya ipasara itong bar niyo kasi hindi kayo marunong mag asikaso ng customer!" Sigaw niya dito. Napakamot naman ito sa ulo. Hindi alam ang gagawin sa babaeng lasing.







"Magsasara na po kami, Ma'am..." Inis namang kumuha ng pera sa wallet si Violet at binato niya ito sa mukha ng lalaki.




"Iyan bayad ko! Babalikan kita! Humanda ka sa akin!" Kahit pagiwang giwang ang lakad niya. Dahil sa kalasingan. Nagawa niya paring lumabas ng bar na hindi inalalayan ng mga bouncer.


The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon