"Tay..." Nakita niya ang ama nakahiga sa higaan maputla ito at parang may iniindang masakit.
"Jella Zynn, anak ko... Umuwi ka..." Naluluhang niyakap niya ng mahigpit ang ama. Malaki ang pinayat nito mula ng umalis siya. Muntik na niya itong hindi makilala.
"Kumusta? Anong sabi ng mga doktor. Kailan kayo operahan?" Tanong niya dito. Marami silang pasyente sa iisang silid na kaparihang sakit ni Tatay.
"Heto mamatay na anak.. malaking pera ang kailanganin sa operation ko, Zynn... Iuwi mo na lang ako sa bahay at mag- inom na lang ako ng mga dahon dahon. Sigurado akong mawawala ito." Sabi nito sa kaniya. Napatingin naman ito sa lalaking katabi niya.
"Siya nga pala si Amari. Tay... Kaibigan ko po." Pakilala niya dito sa ama. Naiwan sina Zion at Zeke sa labas dahil ayaw sila papasokin ng mga guard sa labas at kasama naman nila si Joel. Kaya okay lang.
"Kumusta po,Sir?"
"Naku! Huwag mo na akong tawaging Sir? Uncle na lang tawag mo sa akin." Nahihiyang napakamot ito kaniyang ulo.
"Okay po, Uncle... Pagaling po kayo. Nakausap ko na po ang doktor niyo lilipat kayo sa silid na kayo lang at comportable sa silid, isa pa po hindi po madadala sa dahon dahon lang sakit niyo base observation ko. Don't worry. Sagot ko po lahat!" Nakangiting sabi nito kay Tatay. Paano na lang siya kung wala si Amari. Sa pagdating ni Amari sa buhay niya parang nakaramdam siya ng kaginhawaan sa lahat ng problema.
"Tama po si Amari, Tay... Bukas lilipat na kayo sa ibang silid. Mag re schedule rin sila sa operation niyo. Pagaling kayo ha?" Sabi niya sa ama. Sobrang payat ng kaniyang ama. Hindi niya ito inaasahan.
"Hindi ba nakakahiya sa kaibigan mo ha? Zynn?" Nag-aalangang tanong ni Roben sa anak.
"Nakakahiya pero siya naman po iyong mapilit na tulongan ako. Si Boboy pala... Makakalabas na siya bukas inayos na ng abogado ang bill niya." Pagbigay alam niya dito. Pilit niyang ngitian ang ama na nag-alala sa kaniya.
"Aminin mo sa akin.. nangliligaw ba sayo si Amari?"
Bumuntong-hininga si Zynn. Bago sinagot ang ama. Sila lang dalawa sa silid. Lumabas lang saglit si Amari ng tumunog ang bagong bili nito cellphone. Nabasag kasi ang phone nito at nalaglag sa tubig sa pagtakas nila.
"Hindi po, Tay... Matulongin lang talaga si Amari."
"Sigurado ka ba anak... Nag-aalala lang ako sayo. Pero wala naman problema sa akin kung may unawaan na kayo ni Amari. Basta mangako siya sa akin hindi ka niya paiiyakin gaya ng ama nina Zeke at Zion." Ngumiti siya dito ng mapait. Walang kaalam-alam si Tatay sa totoong nangyari sa kaniya. Sinabi niya lang dito na tintakbuhan siya matapos magparaos pero ang totoo na rape siya at tinapon lang sa basurahan na walang malay at hinang-hina pa.
"Sa ngayon Tay... Ang mabilis niyo sa pagaling ang isipin niyo muna. Para magkasama sama na tayo. Si Kuya Simon dumalaw na ba sila sayo?"
"Oo, naman.. pero hindi rin nagtagal kasi may trabaho pa daw. Si Selma, hindi na siya bumalik mula pa kahapon. Saan kaya nagpunta ang nanay mo. Alam niyang may sakit ako..." Hindi na talaga babalik ang babaeng iyon. Kapag babalik pa siya kakalbuhin ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
Fiction généraleAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020