Cutting Ribbon.
"Sister Fely, I'm sorry, kung ngayon lang ako nakarating sobrang busy po sa office natambakan ako ng trabaho. You know Dad he is sick now. He left our other business to me." Paliwanag niya sa madre sa bahay ampunan. Kinuha siyang magpuputol ng ribbon para sa new facility ng orphanage. Pero dahil sa tambak ang trabaho niya na late na siya ng dating. Muntikan pa niyang nakalimutan mabuti na lang pinaalala sa kaniya ng secretary.
"Naku! Okay lang Hijo... Ang mahalaga nakarating kayo." Mabait nitong sabi sabayan pa ng matamis na ngiti.
"Thank you sister at sa inyong lahat... Karangalan ko po maanyayahan sa ganitong event."
"Walang anoman Amari. Maraming salamat sa pagpaunlak sa imbestasyon namin sayo." Sister Fely.
"Your welcome din po."
"Sir, Dela Fuentes, maari po ba tayo magpapicture kung okay lang po sa inyo." Isa pang madre ang lumapit sa kanila na may hawak itong digital camera.
"Sure, sure..." Masiglang sagot niya.
"Hello po, Sir, mayroon po akong handog sayo sana po magustuhan niyo po itong ginawa kong larawan." Isang batang may kapansanan ang lumapit at mayroong dalang malaking larawan. Inabot ito sa kaniya at kinuha niya naman para tingnan ito.
"Pasinsiya kana Sir, Amari... Gusto kasi ng batang ito ibigay sayo iyan para magpasalamat na rin sayo ng malaki. Dahil sa walang sawang pagbigay ng donasyon mo sa aming orphanage." Ngumiti si Amari matapos makita nasa larawan. Pagkatapos ay inabot ito sa kaniyang assistant si Troy. At sunod namang hinarap niya ang batang masayang mukha. Maganda sana ang ginuhit nito pero hindi maganda ang nakaguhit roon.
"Thank you." Sabay gulo niya sa buhok ng bata.
"Nagustuhan niyo po ba ang ginuhit ko?" May sigla sa boses nito.
"What's your name?"
"Boyet po."
"Ah, Boyet, may talent ka sa pagguhit pero iyong nasa larawan kasi hindi ko na siya asawa." Pagtatama niya dito. Pansin niya ang paglungkot ng mukha nito.
Bumuntong-Hininga siya. "Pero okay lang iyon. Huwag kana malungkot okay." Sabi niya dito. Si Sister Fely naman ang sunod niyang hinarap.
"Sorry, Sir, Amari... Hindi ko naikwento sa mga bata iba na ang asawa mo. Baka nga siguro nakita nila ang lumang larawan niyo. Kaya po ang ginuhit nitong si Boyet."
"It's okay, Sister Fely--?" Lumapit sa kaniya si Troy at bumulong sa tainga niya.
"Boss, nakita na ang pinapahanap niyo at nasa hideout siya ngayon." Lumagutok ang mga kamao niya sa narinig.
"Okay. Tataposin ko lang ito at aalis na tayo. Ipahanda mo sasakyan sa labas na lang aalis na tayo." Pabulong niyang sagot. The jerk! Ilang buwan siyang tinataguan nito tangay ang tatlongpu milyong peso niya at sa wakas nakita rin ito.
"Okay, Boss!" Umalis na ito sa kaniyang harapan.
"May problema po ba Sir, Amari?"
Ngumiti muna siya bago sumagot ng magalang sa madre. "Actually, mayroon sister Fely... Okay lang po ba umalis na ako agad. Kasi nagkaroon ng problema sa isa ko pang business." Dahilan niya.
"Oo naman... Walang problema Sir, Amari. Ingat kayo sa daan. Maraming salamat sa pagpunta."
"Your welcome ulit." Sabi niya sabay alis na rin.
In the hideout.
Pagdating sa hideout bumungad kaagad sa kaniya ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng sobra. Bugbog sarado ito. Nakatali ang mga kamay at paa. Galit siya sa mga manluluko at hindi siya naaawa sa mga traidor.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
Fiksi UmumAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020