Kabanata 39*

151 3 0
                                    

Nagising si Zynn dahil sa gulat at malakas na sigaw ng isang babae. Kahit nanglalabo ang kaniyang paningin pinipilit niyang minulat ang mga mata. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malamig na semento. Hindi lang masakit ang katawan niya. Mabigat rin ang kaniyang ulo na parang may nakadagan dito na malaking bato. Nag-flashback sa isipan niya ang nangyari kung bakit siya napunta sa lugar na ito. May dalawang lalaking pumasok sa loob ng bahay at basta na lang nito hinanap si Amari. Dahil hindi nito matagpuan si Amari. Sapilitan siyang kinuha ng mga lalaki. Hindi niya naman kasi alam kung saan ang asawa lalo pa hindi ito umuwi ng gabi. Kagabi nagvoice call siya kay Amari. Gusto niyang sabihin dito ang nilalaman ng kaniyang puso bago siya mamatay. Pakiramdam niya hindi na sila magkikita pa. At natatakot... Hindi niya alam kung anong kasalanan ni Amari sa mga armadong lalaki. Bakit ito hinahanap sana lang makakaligtas ito kung ano mang naging kasalanan ng asawa sa mga ito. Iba talaga ang kutob niya sa mga iyon parang... Ayaw niya ng ituloy ang nasa isipan huwag naman sana magkatotoo ang nasa isipan niya. Paano na mga anak nila, kung may masamang mangyari sa ama nila.

"Hoy! Bakit tulala ka diyan ha? Bakit hindi ka tumulong dito para makalabas tayo sa kwartong ito." Sigaw sa kaniya ng babae. Madilim ang silid at hindi niya ito makita. Pero parang pamilyar sa kaniya ang boses.

"Violet? Violet ikaw ba iyan? Ako to... si Zynn!" silence immediately reigned around.

"Zynn? Is that you?" She asked the woman in disbelief. "Oo, ako nga..." Sagot niya agad kay Violet. "Oh my god! Kinidnap ka din?" Violet's shocked reaction. "Ikaw rin Violet? Bakit tayo kinidnap anong kasalanan natin?" Tanong niya sa babae. "I don't know either, but I hope they don't do anything bad to us?" Takot nitong boses. "Ikaw ba Zynn... May sinabi ba sila bago ka nila dinukot?" Nag-iisip muna siya, saka sumagot. "Uhm, Bago nila ako dinukot hinanap nila si Amari..." She said honestly to her. Hindi agad nagsalita si Violet. Matagal bago ito nagsalita ulit.

"Violet? Diyan ka paba? Bakit bigla kang natahimik, ha? Alam mo ba kung bakit? Posible kayang iisang tao lang dahilan sa pagdukot sa atin, ha?"

"I'm sorry, Zynn? But I just want to be honest with you... You know why? Magkasama kami ni Amari. The whole night... I am thankful to him that even though we were separated, he still didn't leave me... At namimiss ko ang pag-aalaga niya sa akin... Kaya nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga kasalanan ko nagawa sa kaniya noon. Pero kahit anong pagsising gawin ko hindi ko na maibabalik pa ang panahong sinayang ko... nung panahong mahal na mahal niya ako at sinasamba ako..." Hindi ugali ni Violet ang magsalita sa harap ng babaeng kinamumuhian nito. Pero this time parang kailangan nito, ng kakampi para makatakas sa madilim na silid na ito. Hindi pwideng makarating si Amari sa lugar na ito na puno ng mga sundalo.

"Magkasama kayo boung gabi?" Mapait na tanong niya sa babae.

"Yes, He didn't leave me, Zynn. Amari accompanied me!" Sumilay ang ngiti sa labi ni Violet. Habang inaalala ang gabing kasama ang dating asawa.

"I'm sorry... But I told him to go home because I know you will be worried."

"Pero hindi siya umuwi, Violet? Kahit text wala..." Mabigat sa kaloobang sabi niya sa babae. Kaya naman pala hindi umuwi si Amari dahil na sa ibang kandungan.

"Ahh... Sorry. Zynn... Hindi ko rin alam bakit hindi siya nagtext sayo. Siguro ayaw niyang malaman mo ang totoong magkasama kami."

"Ano sa tingin mo maramdaman ko ha? Matutuwa? Mag gulong- gulong sa gitna ng kalsada! Dahil ang asawa ko nasa ibang kandungan nagpakasarap? Samantalang ako... Namumuti na ang mga mata sa paghihintay! Kung uuwi paba ang asawa ko!" Hindi mapigilan ni Zynn ang maglabas ng sama ng loob dito.

"I'm sorry...."

"Shut up. Pwide ba tumigil kana sa kasasabi ng sorry. Kung paulit ulit mo lang gawin ang mga kasalanang niyo sa akin! Alam ko naman Violet, kahit hindi kita nakikita ngayon. Natutuwa ka nagdurusa ako ngayon at nasasaktan ako! Iyon naman talaga ang motibo mo diba? Kaya mo sinasabi sa akin ang mga iyan? Pinamumukha mo sa akin na mas lamang ka pa rin sa akin. Kahit wala na kayo. Inaalala ka pa rin niya..."

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon