TBM 9

321 8 0
                                    

Naghihinang naupo si Zynn sa malapit na upuan. Bakit ganito pa rin? Bakit wala paring pagbabago sa bahay. Nagpapadala naman siya ng pera para ipaayos ang bahay bakit ganito pa rin ang etsura ng bahay mula ng umalis siya. Walang nagbago tagpi-tagpi pa rin ang bubog at diding sa kusina. Iyong lababo ganon pa rin kawayan. Ang boung akala niya magandang bahay ang madadatnan niya pero nagkamali siya nag- akala. Napahilamos siya sa mukha gamit ang kamay niya. Tumayo siya para maglinis nakakahiya sa bisita niya kung magulo ang bahay. Inalis niya lahat ng kalat. Ang mga platong hindi pa nahuhugasan ay hinugasan niya na. Sunod niya namang nilinis ang Bathroom at nag stock ng tubig galing sa poso. Pawis na pawis siya pero hindi niya iyon pinansin.




"Jellah Zynn? Ikaw ba iyan?" Rinig niya, may tumawag sa pangalan niya ng lingunin ito. Nakilala niya ito agad si Marisol kahit tumanda na ito ay nakilala niya pa rin ang babae.




"Opo, aling Marisol, mano po?" Paggalang niya dito.



"Aba! Gumanda at kuminis ang balat mo, ah?" Nahihiyang ngumiti siya dito.






"Salamat po, nakakahiya naman..."



"Totoo ang sinabi ko talagang malaking pinagbago mo sa pagtira sa manila. Balita ko pa galing kay Selma, ang ganda ng trabaho mo roon kasi ang laki ng sahod mo. Kaya ang galanti ng loka! Ang dami niyang pera, padala mo raw. Lagi niya kami nilibre sa labas..." Kaya naman pala hindi nagagawa iyong bahay dahil ginagastos nito sa ibang bagay. Ang kapal naman ng mukha ni Aling Selma. Hindi nahiya sa mga pinagagawa nito sa akin.




"Kaya ho ba... Hanggang ngayon hindi pa nagawa iyong bahay? Dahil ginagastos niya sa inyo!" Maanghang niyang salitang binitiwan sa kaharap. Nawala ang ngiti nito sa mukha.






"Aba! Malay ko ba! Kung ang pinapadala mong pera ay para ipagawa ng bahay! Ang sabi niya lang sa akin na bigay mo raw... Ang bait mo sa kaniya, kasi mapagbigay ka daw na anak. Kung alam ko lang di sana sinabihan ko na ipagawa ng bahay niyo!" Hindi makatinging sabi sa kaniya ni Aling Marisol.





"Maiwan na kita may gagawin pa ako." Nagmadali itong umalis. Marahil umiwas ito sa iba pa niyang itatanong. Nakasunod lang siya ng tingin dito at bumalik sa loob bahay para makapag saing mamaya na niya puntahan ang mga bata.



Tapos na siya sa lahat ng gawaing bahay at nagsalang na rin siya ng kanin sa kalan. Nang dumating si Joel nagulat ito sa pagdating niya.




"Ate?"



"Joel..." Naluluhang niyakap niya ang kapatid at ganoon rin ito.






"Kumusta kana ang mga kapatid mo... Bakit naman kasi nakulong si Boboy? Totoo ba nagshabu siya ha? Di'ba sabi ko naman sa inyo mag- aral ng mabuti huwag gayahin ang iba diyan ha? Anong nangyari?"





"Masaya akong umuwi ka Ate, alam kong matutuwa rin si Boboy na umuwi kana kasi ang hirap ng buhay namin dito na wala ka... Sobrang hirap, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng lalamunin namin... Kumakayod kami kahit gabi para lang makaraos sa araw- araw..."



"Ano? Bakit? Hindi ba sapat ang perang pinapadala ko, ha? Para makaranas kayo ng hirap dito! Kung hindi sapat, dapat sinabi niyo sa akin para madagdagan ko."




"Ang mga pinapadala mong pera sinarili lang ng kinilala mong ina. Bibili lang siya ng isang sakong bigas at iilang dilata lang pagkatapos nun wala na hindi na siya bibili kapag naubos. Ang mga pamangkin ko ate.. awang awa ko sa kanila, dahil kahit damit hindi magawang bilhan ni Selma kahit isa man lang... Alam mo sino bumili kami. Kami! Ate?"




The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon