TBM 1-nager

699 9 0
                                    

"Nay  naman, huwag niyo naman po pabayaan ang kambal." Galit niyang sabi ng mag- usap sila sa phone. Nag- asawa ulit ang papa niya. Kasama nila sa bahay ang madrasta. Makalipas ang limang taon. Bumalik siya sa pagtatrabaho pero sa manila na, hindi na siya lumayo pa. Kaagad siya natanggap bilang kahera sa A Casino. Siya ngayon ang kumakayod para sa pamilya, may sakit ang papa niya. Dahil sa diabetes at hindi na nakakalakad pa.

Nagsasahod siya ng malaki tamang tama lang sana ang kaniyang sinasahod niya buwan- buwan sa lahat ng mga pangailangan nila. Pero kinukulangpa rin minsan, lalo na mag- isa lang siyang nagtatrabaho sa pamilya. Nakakapadala pa rin siya sa probensiya, kahit papaano. Nagpupuyat at nagpa,kapagod para sa pamilya niya.

Gabi- gabi may overtime siya. Hindi parin siya nadadala matapos ang nangyari sa kaniya limang taon ng nakalipas. Kahit mga polis walang nakuhang ebedensiya para magbayad ang taong gumagahasa sa kaniya ng gabing iyon. Wala naman kasi siyang natandaan kahit isa, kahit anong piga sa utak niya. Tinigil rin ang kaso sa bandang huli. Sabi ng iba nagpagkamalan lang siyang hostes, dahil iyon ang tinatambayan ng mga babaeng nagpapabayad, mga babaeng prostitute na akala, isa siyang babaeng bayaran.

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin siya dahil buhay pa siya. Matapos siyang matagpuan sa abonadong lugar na wala nang saplot at naghihinang katawan. Dinala siya sa hospital sa mga nakakita sa kaniya. Ilang araw rin siyang nanatili sa hospital, dahil sa naghihina pa siya at madalas pa nanaginip sa gabi. Boung gabi siyang kinulong at tinurukan ng drugs ng estraherong lalaki, na hindi malinaw sa kaniya ang mukha nito. Blurd ang paningin niya dito. Dahil siguro sa drugs na tinurok sa kaniya at madilim pa ang silid.

"Aba, Jellah Zynn, Hindi madaling mag- alaga ng dalawang batang puro pasaway at makukulit, kung akala mo lang. Huwag kang magsalita na parang pinapabayaan ko sila. Mahiya ka naman sa balat mo. Dapat nga ikaw ang mag- alaga sa kanila, bwesit!" Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit hindi pa siya nasanay sa madrasta niyang bugangera na nga reklamador pa kung pwide lang niya dalhin dito ang mga bata ginawa na niya noon pa. Pero hindi. Dahil wala naman mag- asikaso sa kanila kung nasa trabaho siya.

"Sorry po, nag- alala lang po ako," Sagot niyang magpakumbaba.

"Kung ganiyan ka lagi, Marunong magpakumbaba magkakasundo tayo. Dahil, hindi mo alam ang hirap mag- alaga sa mga anak mo. Sa nga pala, dagdagan mo ang padala mo. Dahil pasukan na maraming kailangang bilhin gamit sa eskwela," Nawala sa isip niyang malapit na ang pasokan. Dagdag gastos naman. Kailangan niya mag- duble kayod. Maghanap siya ng pweding pagkakitaan. May sakit ang papa niya at may maintenance pa ito araw-araw, plus may tatlong kapatid na umaasa sa kaniya. Dahil nag- aaral pa ang mga ito. Si Kendra naman nasa college na at mahal ang tuition nito kada simester. Kakapusin naman siya sa pera.

"Jellah Zynn," Malakas na boses ang narinig niya mula sa kaniyang madtrasta. Sandali niyang nilayo ang cellphone sa tainga at muling ibalik sa kaniyang tainga.

"Opo, Hayaan niyo po magpadala po ako ng malaki. Isa lang hiniling ko, huwag niyo pabayaan ang mga bata." Sabi niya ng mamaos ang kaniyang boses miss na miss na niya mga bata. Kailan pa siya huling umuwi matagal na.

"Oh, sige.. kung matagpuan mo ama ng mga anak mo! Humingi ka ng sustento!" Napangiwi siya sa sinabi nito sa kaniya. Paano siya hihingi ng sustento sa taong bumaboy sa kaniya, kahit mukha nga hindi niya matandaan, sustento pa kaya. Hindi niya sinabi ang sinapit sa cebu. Hindi niya rin pwideng sabihin sa kanila na kaya siya nabuntis. Dahil na rape siya o di kaya napagkamalan lang. Kung sinabi niya, iyon mas lalong malulungkot si papa sa nangyari at sisihin pa nito ang sarili. Mabuting malaman nilang tinakbuhan siya ng lalaki matapos itong magparaos.

"Jellah,"

Bumuntonghininga siya. Bago nagsalita.
"Sige po, kung makita ko po siya." Sagot niya na lang. Ayaw na niyang makipagtalo lalo lang siyang huhusgahan ng kaniyang madrasta. Isa siyang disgrasyadang babae. Totoo naman iyon pero minabuti niyang manahimik na lang. Sinong may gusto sa nangyari sa kaniya. Wala? Sinong mag- akala na biktima siya ng rape five years ago at nagbunga pa ng kambal. Hanggang ngayon kinamuhian niya ang taong iyon. Sisingilin niya ito ng mahal, oras na matagpuan ito.

"Oh, sige, paalam na may gagawin ako. Huwag kalimutan iyong para sa akin, ha? Zynn," Agad naman siyang tumango. Pinatay na ito sa kabilang linya. Mabigat ang mga hakbang niyang magtungo sa kaniyang locker para ibalik dun ang cellphone niya.

"Zynn," Siya si Louren. Maganda ito at kumikita araw-araw ng malaki. Maliban kasi sa pagiging staff sa casino sumaside line rin ito. Tulad niya breadwinner rin ito sa kaniyang pamilya. Tingnan mo naman nabalotan siya ng mga alahas ngayon sa katawan, dahil sa boyfriend niyang Italyano.

"Louren," sabi niya. Nang ngitian ito ng tipid.

"Mukhang problemado ka, ah?" Nag- alalang lumapit ito sa kaniya. Naging malapit rin niya itong kaibigan si Louren.

"Kailangan ko ng ibang pagkakitaan Louren may alam ka ba?" She said problematic.

"Alam mo freny, tama ang timing mo, eh? Mayroon nga nagpahanap sa akin. Okay ka naman maganda, at sexsi, kapa rin, mukhang dalaga pa tingnan, kahit may dumaan ng bata diyan. Pero dalaga pa rin," Hindi lang niya ito kaibigan nasasabihan rin niya ito ng mga secreto niya sa buhay.

"Kaya mo ba mag- escort mamaya pag off mo. Girl malaking kikitain mo dito 5Ok isang gabi lang." Tumalas ang pandinig niya, kapag pera na ang pag usapan. 50k sobrang laki, tapos isang gabi lang mayroon kana ganong halaga. Mag-e escort lang. Woah! Grabi naman.

"Ayaw mo ba, Ibibigay ko na lang sa iba sayang din ito, Zynn," Gusto niya pero natatakot siya.

"Sino ang escortan ko mamaya?" Tanong niyang may pangamba at takot. Alam niya ang ganito. Sa isang kwarto magkasama sama sila, kung saan maglalaro ang partner nila ng poker or kahit ano. Kung mananalo ito may balato ka, kapag hindi minalas.

"Isang mayamang Italyano. Ano go ka ba? chance mo na ito, malay mo magustuhan ka niya at agad ibahay haha, hindi ba ang swerti non sayo!" Napanguso siya. Paano kung may asawa na lagot siya sa misis nito lalo na kung bruha. Sira na ang puri niya, kung ganon.

"Sapat na sa akin maging escort niya. Baka mamaya may asawa iyong tao. Magugulo lang ang buhay ko!" Sabi niya kay Louren. Gusto niya iyong siya lang walang kaagaw.

"Naku! Naku! Zynn is a big No! single na siya nagresearch kaya ako." Panigurado nito sa kaniya. Kahit na single pa ito. Ayaw niya parin sa lalaking mayaman. Hindi niya alam ang pag- uugali ng mga iyan. Baka nga halimaw pa ito. At hindi kagaya niya ang magustuhan nito. Dahil isa siyang disgrasyadang tao.

"Ayaw ko munang isipin ang tungkol diyan. Ang importante kung paano ako makakapera." Sagot niya kay Louren. Wala pa sa isip niya makipagrelasyon sa ngayon. Kahit forever siyang hindi maka jowa ayos lang sa kaniya kuntento na siya sa dalawa niyang mga anak.

"Okay, ikaw bahala.. mamaya magpaganda ka girl iyong tudo ganda. Ano?" Nakangiting sabi nito sa kaniya. Mayroon rin naman siyang maayos na damit. Tsaka nabili na mga heels. Hindi problema sa kaniya ang isuot niya.

"Okay. Pero kailangan ba talaga iyon?" Kabadong tanong niya dito.

"Ang alin?"

"Ang magpaganda..." Kumunot ang noo nitong napatingin sa kaniya.

"Of course! Kailangan iyon, girl!" hindi na siya umimik pa. Nagpaalam na rin ito at naiwan siyang mag- isa sa locker room. Mukhang kailangan niyang maging handa.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon