Naalimpungatan si Zynn ng may maramdaman siyang humahalik sa labi niya at ng magmulat siya ng mga mata si Amari. Napaka guwapo nito at wala itong pang itaas. Siniil siya nito ng halik ng mapusok halik na nag-aalab. Halik na may pagmamahal galing sa puso. Anong oras na ba bakit tumilaok na ang manok?
"Good morning..." Bati sa kaniya ng matamis. Matapos putulin ang kanina lang pinagsaluhan nilang halik.
"Anong oras na ba? Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa lalaki. Bago itong ligo kaya nakatapis pa ito ng tuwalya. Alam niyang natulogan niya na ang paghintay dito.
"Tumawag ako sa office mo sabi sa akin nakauwi kana raw..." Bumangon siya at sumandal sa rehas ng kama.
"Lately madalas kana ng late umuwi. Mula ng narito ako sa manila kasama ka at ngayon mag-asawa tayo... Madalas ka ng inumaga sa pag-uwi at ayaw mo naman sabihin sa akin?" May pagtatampong sabi niya dito. Yumukod ito sa kaniya at dinampian muna siya ng halik ng mabilis sa labi bago ito sumagot, sa mga tanong niya.
"Hmm... Iniisip mo ba may iba akong babae. Mahal, ikaw lang babae sa buhay ko mula ng pinakasalan kita. Busy lang ako sa business. Alam mo naman may sakit si Daddy sa akin niya na pinakatiwala ang negosyo niya at si mommy naman wala rin naman alam sa business ni Daddy. No choice kundi ako ang mamumuno dito." Hindi niya pa namimeet ang tinuring na pamilya nito. Kaya nauubos ang oras nito sa negosyo. Wala na nga silang time sa isa't isa.
"Kailan mo ba ako pakilala sa kanila? Ang alam ko hindi mo sila biological parents bakit sayo pinagkatiwala ang negosyo niya at isa pa hiwalay na kayo ng dating anak nila na ex-wife mona."
"Nakulong ako sa kontrata..."
"Ha?"
"Bago ko pinakasalan si Violet pumirma ako hahawakan ko negosyo nila habangbuhay." Tapat nito sabi sa kaniya.
"Hindi ba dapat si Violet na ang magpapatakbo ng negosyo ng pamilya nila dahil wala na kayo..." mahinang tanong niya dito.
Humugot ito ng malalim na hininga. "Sana nga ganon lang kadali. Kaya lang hindi kaya ni Violet imanage iyon." Tanging sagot nito, at tumayo ito pumunta sa closet para kumuha ng damit. Pagkatapos sinuot agad ng may mapili.
"Bakit?" Tanong niya.
Kibit-balikat lamang ang sinagot sa kaniya ni Amari. Pakiramdam niya marami itong tinatago sa kaniya pero ayaw niya ng mag- usisa pa, baka dahilan pa ng away nila ni Amari.
"Hindi mo na kailangan malaman, Okay? Ang mahalaga sayo lang ako umuwi gabi- gabi..." Tumahimik siya agad ng mapansing mainit na agad ang ulo nito.
"Okay. Sorry... Ipaghanda lang kita ng almusal." Sabay tayo niya, at tinungo ang pinto. Pero ang totoo hindi siya kumbinsido sa salita lang. Ayaw niyang isiping nagsisinungaling ito sa kaniya. Gusto niya pagkatiwalaan ito sa kabila ng lahat. Nag-uunahan naman sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi niya mapigilan hindi magiging emotional.
"Sige. Salamat... Pero nakapagluto na ako... Kakain na lang tayo. Hintayin mo lang ako sa kusina magsusuklay lang ako saglit." Tumango lang siya dito at muling sinirado ang pinto ng kanilang silid. Ang totoo parang may anong sumundot sa puso niya. Hindi niya talaga maiwasang magduda kay Amari. Lalo na madalas itong ginabi ng uwi. Ayaw naman nito sabihin ang dahilan.
Humugot ng malalim na hininga si Zynn. Bigla kasing naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam pero ang babaw ng luha niya. Kunting ano lang tutulo na agad ang luha niya. Agad niya namang pinunas iyon. Nang mapansing palapit si Amari sa kaniya. Inaabala niya ang sarili at inayos ang kanilang mesa. Kumuha siya ng dalawang plato at nilagay sa mesa. Pagkatapos sunod niyang sinandok ang ulam. Nilagay sa mangkok at mga kutsara, tubig, baso. Nasa mesa na lahat bago siya naupo sa mesa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
Tiểu Thuyết ChungAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020