Kabanata 64

20 0 0
                                    

"Thank God... Nakalabas din ako sa Mansion. Hindi ko na kayang magpapanggap na mabait o alagaan ang bunsong anak ni Amari. Sakal na sakal na ako Ate! Alam mo ba nakakainis ha? Ako na nga ito nagpalaki mula sapol. At sa papalit ng diaper sa tuwing nag poop ang batang iyon. Si Zynn pa rin ang kinilalang Nanay niya. Shit! Agh!"

"HAHA! Imagine all this time... Wala ka pa rin napala. Hanggang ngayon nanglilimos ka pa rin sa pagmamahal nila at lalo na sa ama ng mga batang iyon."

"Mahal ako ni Amari, ramdam ko iyon. Kinainisan ko lang si Zaira matapos ang ginawa kong pagtulong sa kaniya at lahat binigay ko pag- unawa at pagmamahal. Ate? Wala na nga akong tinira para sa sarili ko, eh? Sa kanila na umikot ang mundo ko. Pero nang malaman niyang may kamukha ang ina nila. Nag- iba na ang mundo."

"Well... They are really mother and daughter. You know that leap of blood. Hmp, Blood related!"

"Shut up! Shut up!?" Galit na sigaw ni Violet sa kapatid. Agad naman napalunok ng laway si Vivian. At nakatingin sa paligid. Mabilis naman nakaagaw ng atensiyon si Violet.

"Hey, Violet? Calm down... Nakakahiya? Hindi mo alam nandito tayo sa public place. Gusto mo ba makuhanan ka ng press at malantad ang tunay mong ugali, ha? Pasalamat ka na lang nag-iba na iyang face mo. Paano kung hindi."

"Kakainis ka kasi... Pinoprovoke mo ako. Payo at suporta kailangan ko, Ate? Hindi ang paninira ng mood ko. Badtrip na ako ng umalis ng bahay. Tapos dagdagan mo pa." Hindi maitago ang inis sa mukha.

"Okay. I'm sorry. Sinabi ko lang naman ang totoo at sa ganon malagay mo rin sa isip mo na hindi mo mapipigilan ang katutuhanan na mag-ina sila."

"Bakit kasi nakaligtas pa ang babaeng iyon? Bakit hindi na lang namatay ng tuluyan. Wala sana akong problema ngayon. Pero pinagtaka ko lang paano nag positive ang DNA ni Zynn doon sa bangkay." Hindi agad nakaimik si Vivian.

"It's my fault... I thought she was really dead. Because at the height of that cliff, it is impossible for her to survive. May lahing pusa yata ang babaeng iyon may siyam na buwan."

"Well... This time. Bago pa siya makalapit kay Amari at sirain ang pamilya mayroon ako ngayon. Unahan ko na siya, Ate?"

"Anong gagawin mo?"

"Pag nawala siya sa mundo wala na akong mabigat na problema."

"How?"

Palabas ng eskwelahan si Zaira. Nang matanaw niya si Ace Virgil. Gusto maglulundag ang puso niya sa tuwa dahil sinundo siya. Sa araw- araw na kasama niya si Ace at, ang pagiging masungit minsan sa kaniya. Parang mayroon siyang kakaibang nadama dito. Kapag nandiyan si Ace Virgil sa paligid. Ang mundo niya ay nagkulay berde bigla at parang may mga Paru- paro sa tiyan niya. Masaya siya makita ito palagi. Kahit alam niyang hindi siya type nito. Ngunit, lagi lamang siya nito inaasar at tinawag ng kid. Bagay na hindi niya gusto. Dalaga na siya at next month ay mag 17 na siya. Besides, tatlong taon lang naman ang tanda sa kaniya ni Ace Virgil. Pero kung ituring siya parang nakakabatang kapatid. I hate him...

Ngumiti muna siya bago nilapitan si Ace Virgil. Cool na cool kasi itong nakasandal sa kotse. Habang nakasandal sa harapan at lahat ng mga babaeng napadaan ay napapalingon dito. Nakakainis talaga. Dahil nginingitian niya ito ng matamis. Samantalang sa akin seryoso at hindi nakangiti like Dad?
Nang mapansin siya ni Ace Virgil. Bigla itong sumeryoso ng aura. Anongyari?

"What does it feel like to be famous among girls, huh?" May inis sa kaniyang boses. Instead na sagotin ang tanong niya. Nagkibet-balikat lamang ito. Pumasok sa loob ng kotse at hindi manlang nag-abalang buksan siya ng pinto. Walang ka gentle gentleman sa katawan ang unggoy nato. Argh!

Nang hindi pa rin siya pumasok sa loob ng sasakyan. Binuksan nito ang malapit na bintana sa tapat niya at dumungaw.

"Mahal na prensesa hindi kaba papasok, ha? Sige ka, masusunog ka diyan mainit pa naman." May halong pang-aasar sa kaniya.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon