TBM 8

341 8 0
                                    

Hindi rin nagtagal umilaw ulit pero laking gulat niya ng may makita siya sa sahig na bumalagta na katawan ng tao. Ito siguro ang narinig niya kanina na ingay at kalabog napasok na pala sila ng kaaway sa silid.

"Are you okay?" Tumango lang siya. Napansin niya rin ang dugong nasa gilid ng bibig nito.

"May sugat ka..." Sabi niya ng alisin ito gamit ang daliri niya. Hindi niya namamalayang napakalapit niya na dito.

Inalis naman nito ang kamay niya. "Thank you sa consern mo. Lumayo siya agad para magkaroon ng distansiya ang pagitan nilang dalawa. Bigla siyang napaso dito.

"Semprey! Ayaw ko, ako pa ang dahilan sa pagkamatay mo. Kung wala akong gagawin man lang, kahit alam ko."

Ngumisi ito. "Hindi basta namamatay ang masamang damo." Aniya. Oo, nga naman masamang damo nga pala ito.

"But, thank you... Ulit."

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong niyang nababahala. Ayaw niya pa mamatay marami pa siyang pangarap at paano ang mga anak niya kung wala siya.

"Escape!"

"Saan naman?"

"Kahit saan basta makalabas tayo rito ng buhay!" Sagot sa kaniya. Binaliktad nito ang higaan at may kinuha roon na bagay. May baril ito. Nakalimutan niyang minsan niya nang nakitang bumaril ng tao ito. Mismo pa sa harapan niya.

"Hindi ba dapat tumawag kana ng mga police?" Sabi niya.

"Lowbat ang phone ko." Agad namang sagot sa kaniya. Totoo kayang lowbat o ayaw lang tawagan ang mga police.

"Ano? Wala rin sa akin ang cellphone ko." Wala din siyang dalang cellphone nasa locker niya naiwan.

"Then, let's run away."  Ano pa nga ba gagawin ang tumakas na lang tapos mag report sa mga police.

"Ang kailangan nating gawin para makalabas dito ang makapunta sa rooftop may helecopter roon pwide nating gamitin palayo sa lugar na ito."

"Hindi ko alam paano magpalipad ng helecopter at takot ako sa matataas..." Sabi niya agad.

"Sinabi ko ba ikaw ang magpalipad!"

"Sinasabi ko lang." Pikon niyang sabi.

"Alam ko... Don't worry. Hindi kita pababayaan.." sa malumanay nitong sabi sa kaniya.

Bago lumabas sa kwarto sumilip muna ito kung may tao sa labas ng silid. Pero ng makitang wala. Nagmamadali silang lumabas. Sa totoo lang takot na takot talaga siya. Baka mamaya may biglang sumulpot at barilin sila.

Sabay silang napayuko ng makarinig ng malakas na pagsabog. Pinasabog ang pinto ng mga silid. Gumapang naman sila ni Amari papuntang Exit. Nang malapit na sila mabilis ang naging kilos nila para makalabas ng exit. Ngunit may mga lalaking  paakyat rin napilitan sila ni Amari umakyat papuntang rooftop. Pagdating roon pumasok sila kaagad at sinirado ito para hindi makapasok ang mga ito. Madami sila at parihong may mga baril hawak. Lahat sila iisa ang gusto ang patayin si Amari.

May isang lalaking nakaabang sa helecopter kinakabahan siya agad. Baka isa rin itong kalaban. "Sandali!" Awat niya kay Amari.

"Why?"

"May lalaki akong nakitang nakatayo sa helecopter..." Sabi niyang may takot sa kaniyang boses.

"Don't worry. He's my staff!" Nakahinga siya ng maluwang. Gusto niya ng makalayo sa lugar na ito. Takot siya sa mataas pero ayaw niya naman maiwan at mamatay. Bahala na harapin niya ang kaniyang takot.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon