Kabanata 48

11.6K 138 69
                                    

AKI

"Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said.

Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan.

"Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?"

Tumango ako. "Yes, Sir."

"Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon."

"Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?"

"Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. "

"Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong.

Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group."

"A-Ano?!" Agad na dumaloy sa buong katawan ko ang kaba nang marinig ko iyon. "K-Kailan pa?"

"Apat na araw na ang nakalipas." Humina ang boses niya.

"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?!" Pasigaw kong tanong kay General.

Halos maupo ako sa panghihina dahil sa narinig ko. Yung luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang lumabas. Napahawak na ako kay General nang hindi ko na nakayanan ang nararamdaman ko.

"Ngayon ko lang din nalaman ang balita tungkol sa kanila. Bukas pupunta sila doon kasama ang team nila Ethan. They requested you and Alex to be there dahil kulang sila sa sniper at nasa kritikal na kondisyon ang may alam sa bomba na plinanta ng grupong Black Qatil sa lugar. . . They need you there." Aniya pero hindi iyon maproseso ng utak ko.

"Si C-Captain.." Umiiyak akong tumingin kay General. "Baka kung ano na nangyari sa kanya, Ninong."

"Wala tayo ibang magagawa kundi ang mag dasal sa ngayon, Anak. Kailangan mo magpakatatag para kay Vendalle. Ayaw ko man pumayag na sumama ka sa kanila wala na akong magagawa dahil utos na iyon sa akin na isama kayong dalawa sa ipapadala doon."

"Pero bakit kailangan kasama siya?" Tumingin ako kay Ethan ganun din si General. "Ayoko siyang makasama."

"Siya ang hahawak sa inyo ni Alex habang nasa misyon kayo, Ruiz. Intindihin mo na lang. . . Sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo."

Hindi na lang ako nagsalita. Napatalikod na lang ako at tumakbo papunta sa barracks para ayusin ang mga gamit ko. Hindi na ako mapakali sa sobrang kaba ko ngayon. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Patakbo na akong lumabas ng kampo para makakuha ng masasakyan. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa nakukuha ang drivers license ko kaya hindi ko magamit-gamit yung kotse na binigay sa akin ni kuya Akiro.

Tinext ko na din si Alex na magkita kami bukas sa bahay para sabay na lang kaming pupunta sa kampo bukas. Pumayag naman siya at doon na lang daw siya manggagaling kila Tita. Ako naman ay pupuntahan ko muna ang kambal para makapag paalam.

Natigil ako sa pag pindot sa cellphone ko nang may tumigil na kotse sa harap ko. Napakunot ako ng noo nang ibaba nito ang car window sa passenger side.

"Hatid na kita, Esha." Si Ethan.

Oo nga pala, bumalik na nga pala siya. At kung minamalas ka nga naman siya pa ang magiging official namin ni Alex. Bakit kasi kailangan niya pa bumalik sa buhay ko?

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon