Kabanata 12

15.2K 242 79
                                    

AKI

"Tara na, Aki..." yaya sa akin ni Alex.

Tumayo agad ako tsaka sinuot ang military cap. Sumunod lang ako kay Alex na nanguna na sa akin maglakad papunta sa shooting range.

When we finally arrived at the shooting area, we saluted first before going to our respective teams. Nakita ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin ni Captain habang naglalakad ako palapit sa team ko.

"Nandito na po silang lahat, ma'am." Ani Vincent.

I nodded. We are all waiting for Captain Vendalle's signal to start the firing but he's still on his chair sitting and talking to his bestfriend.

Mayamaya ay nakarinig ako ng ilang tunog mula sa kinakalas na baril. Nilingon ko si Vincent  na hirap na hirap tanggalin ang spring ng baril niya dahil mali ang ginagawa niya.

Napapailing akong lumapit sa kanya tsaka siya hinawakan sa kamay para ituro ang tamang pagtanggal sa spring.

"Pull down the slide lock first," pinakealam ko na ang ginagawa niya.

Tumabi siya ng kaonti para bigyan ako ng space dahil masikip ang bawat shooting range dito.

"Use your other hand to pull down both sides of the slide lock lever and push the slide lock forward with your four fingers." I demonstrated it to him.

Napakamot siya sa ulo niya. "Thank you, ma'am Aki. Nakalimutan ko lang po."

"It's okay," nakangiting aniko. "Sa susunod wag ka hila nang hila baka tumalsik 'yan bigla sa mukha mo. Kapag may hindi ka alam mag sabi ka agad-"

"Attention everybody!" Biglang sigaw ni Captain.

Sa gulat ko sa ginawa niya napahawak ako sa dibdib kong nilingon ang gawi niya.  Ang salubong niyang kilay ang bumungad sa akin nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Wear all you need to wear. Disassemble your guns and hands up. After a count of 5 you need to start. 1... 2... 3-" Bigla siyang tumigil sa pag bibilang nang mapunta na naman sa gawi ko ang tingin niya. "Magsisiksikan kayong dalawa diyan?" Masungit niyang tanong.

Tumingin pa muna ako sa posisyon namin ni Vincent bago mabilis na umabante palabas sa shooting range. Nahihiya na lang akong umiwas ng tingin kay Vincent at ganoon din siya sa akin.

"Tsk," rinig kong aniya bago nagpatuloy sa pagbibilang.

I was observing my team if they're doing it right or not. Good thing they're all good at holding a gun. The way they disassembled it and assembled again was fast. Tama lang naman siguro na ganyan sila dahil bawal ang makupad dito.

Naglakad ako palapit kay Noceto at inangat ang siko niya. "Straight mo 'yan." I told her.

Mayamaya lumapit ako sa bakanteng shooting range na may target board. Nilapag ko ang baril ko sa lamesa bago nagsuot ng headphones. Umayos ako ng tayo bago dinampot ang baril at dahan-dahan iyong tinutok sa harapan.

"Shit!" Naiinis kong bulong at padabog na binaba ang baril dahil sa kirot na naramdaman ko sa braso ko.

Buntong hininga akong nagbaba ng tingin habang mahinang minamasahe ang braso ko. Hindi tuloy ako makasali sa ginagawa nila dahil dito.

"I'll help you, Akesha.

Agad akong lumingon sa likod ko matapos marinig iyon pero bago pa man ako tuluyang makalingon may humawak na sa magkabilang braso ko mula sa likod at hinarap ako sa target board.

"C-Captain," sinubukan ko ulit lumingon sa kanya pero pinigilan niya ulit ako.

"Stay still, Akesha." Halos manayuan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa bandang batok ko.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon