AKI
"Hi, Sir Cedrick!" Masayang bati ko kay Sir Salazar habang narito siya sa field at nagsasagawa ng training sa mga sundalo.
"Sir?" kinalabit ko siya dahil hindi niya ako pinapansin.
Walang reaksyon niya akong nilingon at pinagtaasan ng kilay, "What do you want, Ruiz?"
"I want ice cream." Sagot ko.
Tinitigan niya ako na may pagtataka. Mukang hinihintay niya na bawiin ko yung sinabi ko pero hindi naman ako nakikipag biruan sa kanya.
"Gusto ko ng ice cream." Ulit ko.
Tiningnan niya yung mga sundalo na nakatingin na rin pala sa amin na para bang hinuhusgahan na nila ang pag katao ko.
"Ano?!" Masungit kong tanong sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng mata kaya agad naman sila nag-iwas ng tingin sa akin.
"5 minutes break." Ani Sir Cedrick at tinalikuran sila. Naglakad ito palayo sa akin kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.
"Sir dali na!" Humabol ako sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at nakapameywang na humarap sa akin, "Bakit ako, Ruiz?"
"Ewan ko. Basta bilhan mo po ako ng ice cream sa 7/11." Tinuro ko ang main gate at nginitian siya. "Doon lang 'yon oh!"
"It's 8 in the morning, Ruiz. Bakit inuutusan mo ako? Let me just remind you tha--"
"Mas mataas ang ranggo mo sa akin kaya dapat irespeto kita?" Pinangunahan ko na siya. "Hindi ko naman PO nakakalimutan yun. I just want an ice cream. Bakit ba kung maka react ka akala mo naman inaano kita diyan." Umi-kibit balikat ako at tinignan siya ng masama. "Isusumbong kita kay Captain." Pananakot ko pa.
Napanganga siya sa sinabi ko. "Are you crazy? Kahapon ka pa!"
"Gusto ko ng ice cream pati ng doughnut. Yung doughnut naman kagatan mo muna bago mo ibigay sa akin." Sinabi ko iyon sa paraan na para bang close kaming dalawa.
Gusto ko talaga ng ice cream at doughnut ngayon. Nag cr-crave ako pero gusto ko siya ang bumili nun para sa akin. Pakiramdam ko pag hindi ko iyon nakain ngayon mababaliw ako.
"Sir sige na po please. . ." Nag mamaka-awa ang tinig ko. "Nagcr-crave po kasi ako sa mga 'yon, eh." Hinawakan ko pa ang kamay niya at pinagyuyugyog iyon. "Sir Cedrick. . ."
Naiinis niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Bakit ako? Bakit hindi mo utusan yung boyfriend mo?"
"Naiinis ako sa mukha non, eh."
"And so? Stop annoying me, Ruiz. It's not funny!" Tinalikuran niya ako at iniwan akong nakatayo dito sa initan.
Naiinis akong nag lakad papunta sa lilim at doon umupo sa ilalim ng puno. Pinagpipitas ko ang mga damo na naroon at pinaghahagis ito sa malayo. "Ang sama ng ugali! Sana hindi sila magkatuluyan ni Alex." Pabulong-bulong ko pa.
Anong gagawin ko? Gusto ko talaga kainin yun ngayon. Kahit na nag almusal na ako nung pagkain na dala ni Captain may ibang hinahanap ang tiyan ko. Si Sir Cedrick kasi, eh! Hindi man lang makahingi ng pabor sa kanya. Madapa sana siya.
Nakasimangot lang ako hanggang sa dumaan ang ilang minuto. Wala akong ibang pinagbuntungan ng galit ko kundi ang mga damo na malapit sa kin. Mayamaya naman ay nakita ko si Alex na naglalakad papunta dito sa gawi ko.
Nakikita ko pa lang ang itsura niya parang babaliktad ang sikmura ko. Ano ba naman kasi itong nangyayari sa akin?!
"Hoy bakit ka nandito?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...