Kabanata 27

11.3K 153 29
                                    

AKI

"What happened?" Tanong sa akin ni Captain nang makalapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang mag kabilang braso ko mula sa likod. Napa-buntong hininga muna ako bago binalik sa bulsa ko ang cellphone ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong nag-aalala sa akin si Captain lalo na nandito pa ang mama niya.

"Ah wala. . . Si kuya Akiro tumawag kasi. . ." Natigilan ako nang maisip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pumunta siya sa harap ko at naghihintay ng sasabihin ko kaya nginitian ko siya para hindi siya mag-alala. "Nangangamusta lang. Gusto niya kasing makipagkita sana sa akin mamaya pag tapos ng duty ko. Okay lang ba na punta-"

"Of course." Hindi na niya ako pinatapos ang sinasabi ko. "Do you want me to come with you?"

Agad akong umiling sa kanya kaya napa-kunot siya ng noo. "Hindi na. Kaya ko na. Babalik din naman ako agad. Pasensya na ah? Maybe next time, ipapakilala na kita sa kanya." I told him.

Tinitigan niya pa muna ako bago sumang-ayon sa sinabi ko. Mayamaya ay lumapit sa amin ang mama niya habang nakangiti. Umayos ako ng tayo at pinilit ngumiti na parang walang nangyaring hindi maganda.

Huminto siya sa harap ko at hinawakan ako sa kamay. "Akesha Honey gusto sana ng papa ni King na imbetahan kayo mamaya for dinner, okay lang ba sa'yo?" Tanong niya pero hindi agad ako nakasagot.

Inakbayan ako ni Captain, "May lakad sila ng kapatid niya mamaya, Mom. She can't make it tonight." Siya na ang sumagot para sa akin. Nag baba siya ng tingin sa akin habang nakangiti kaya nginitian ko din siya. "Maybe tomorrow night, what do you think?"

"Ahm. . . S-Sige. Opo, sige po." Nauutal na sagot ko habang nakatingin sa mama niya.

"Yes! I'm so excited!" Hinila ako ni Tita Andrea at mahigpit na namang niyakap.

Para naman akong binuhusan ng isang balde ng ice cube sa katawan nang gawin niya iyon sa akin dahil naalala ko kasi bigla si mama at ang sinabi ni kuya kanina lang.

"Mom tama na yan!" Hinila ako ni Captain palapit sa kanya at inakbayan ulit. "We need to get back to our work kaya umuwi ka na." Utos niya sa mama niya.

Nabalot ng lungkot ang mukha ng mama niya ng sabihin iyon ng anak niya kaya inalis ko ang kamay ni Captain na naka-akbay sa akin bago nilapitan ang mama niya.

"M-Mommy ahm. . . Nasa duty pa po kasi kami ngayon kaya hindi po kami pwede mag tagal makipag-usap sa'yo pero promise po babawi po kami ni Captain bukas. Pag nakita po kasi tayo ng senior namin dito ngayon baka mapagalitan po tayo pare-pareho." Malumanay kong sabi.

"Sige na nga." Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat niya. "Pupunta kayo bukas ah? Promise yan! Magluluto ako para sayo kaya 'wag mo akong iindianin!"

"Opo. Promise po."

"I'm sorry, Mom. I didn't mean to be rude. Bukas po pupunta kami." Lumapit din si Captain sa kanya at niyakap ito.

Hinatid na lang muna namin ang mama niya hanggang sa parking lot. Habang nga papunta kami sa kotse niya panay ang tanong niya kung ano ba daw ang mga gusto kong ulam para daw maluto niya bukas. Sinabi ko na lang na hindi naman ako mapili sa pagkain kaya anything na lutuin niya wala naman ako magiging problema.

"I'm sorry about her, Akesha." He apologized as her Mom finally left the camp.

Naglalakad na kami pabalik sa department namin pagkatapos namin maihatid si Tita Andrea. "Cute nga niya eh."

"She's just really happy that's why she reacted that way. Gusto niya kasi mag karoon ng babaeng anak pero hindi na pwede. I am an only child. I am a miracle baby, they said. Kaya nga they are really against na maging sundalo ako dahil delikado daw, baka daw mawalan sila ng anak." Pagkwento niya.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon