Kabanata 6

16.5K 241 44
                                    

AKI

"Tawagin mo si Captain dali!"

"Ma'am-" Pinigilan niya ako nang magtangka akong tatakbo para sundan yung lalaki.

Kumapa ako sa gilid ko para kuhain ang baril ko pero hindi ko pa pala suot ang holster ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya at mabilis na kinuha ang baril na nakalagay sa holster niya.

"Tawagin mo si Captain and that's an order!" Seryosong sabi ko bago tumakbo. 

"Tabi! Tumabi kayo bilis!" Malakas na sigaw ko sa mga nurse, doctor at ilang mga civilian na nasa labas ng kanilang mga kwarto. "Shit!"  

"Ma'am ano pong nangyayari?" Lumapit sa akin yung dalawang guwardiya ng ospital. 

"May armadong lalaki ang nakapasok dito kaya hinahabol ko. For now, clear the whole floor!" Aniko at tumakbo na para habulin muli ang lalaki.

Nang tuluyan kong marating ang fire exit dahan-dahan akong pumasok sa loob. We're on the third floor kaya hindi ko alam kung saan siya pumunta.

"Nasaan ka?"  Sigaw ko. 

May narinig akong tumawa galing sa taas kaya dali-dali akong tumingin doon at tumutok ng baril. Ganun na lang ang galit na naramdaman ko nang makita ko siyang nakasandal sa railings ng hagdan habang nakakalokong nakangiti sa akin.

Nakalagay ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng jacket habang ang isa naman ay may hawak-hawak na baril. 

"Ruiz chill ka lang!" Nakangiti niyang sabi.  "Masyado ka namang highblood." 

Nayayamot akong tumingin sa kanya. "Ano bang kailangan mo?" 

Nanliit ang mata niya na tila ba'y nag-iisip ng isasagot sa akin. Umayos siya ng tayo bago inalis ang hoodie niya. Ngumiti ito sa akin bago tumakbo paakyat kaya dali-dali din akong sumunod hanggang sa marating namin ang rooftop. 

"Sobrang aga mo naman mang bwiset!" Taas kilay kong sabi sa kanya dahil papasikat pa lang ang araw. "Now tell me, what do you want?" Tanong ko habang nakatutok sa isa't-isa ang mga baril na hawak namin. 

"Buhay mo!" Mabilis niyang sagot. "Buhay mo ang kailangan ko, Ruiz! Ibibigay mo ba 'yon sa akin, ha?!" 

Sarkastiko akong ngumiti bago humakbang ako papalapit sa kanya, pero natigilan din nang bigla siyang maghagis ng patalim sa gawi ko.

"Tarantado ka talaga. Ang lakas ng loob mong sumunod sa akin. Nagtatapang-tapangan ka pagkatapos mong patayin ang kapatid ko!"

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Kapatid?"

"Ang bilis mo naman atang makalimutan si Alonzo, Ruiz? Tang-ina. Sige, ayos lang. Dahil sa tuwing magkikita tayo ipapaalala ko sa'yo kung paano mo pinatay ang kapatid ko. Huwag kang lumapit sa akin!" Pigil niya nang humakbang ulit ako palapit sa kanya. "Tang-ina diyan ka lang!" Galit na galit na sigaw niya sabay kalabit ng gatilyo ng baril na nakatutok sa itaas.  

Natawa ako. "Alam mo para hindi na tayo mag kita ulit patayin mo na ako ngayon para 'di na masayang oras mo kakasunod sa akin na parang aso." 

Tumawa din siya. "Hindi ikaw ang mag di-desisyon kung kailan ko kukuhain ang buhay mo, Ruiz. Hindi sapat na patayin kita ngayon para mapagbayaran mo ang ginagawa mo sa kapatid ko... Hindi pa 'yon ngayon kaya chill ka lang."

"Ganun?" Nadidismayang aniko. "Edi kung ganun ako na lang ang papatay sayo!"  

Mabilis kung pinatamaan ng bala ang baril niya dahilan para mabitawan niya ito. Pinaputukan ko din ng isang beses ang kaliwang paa niya dahilan naman para mahirapan ito sa paglalakad. Narinig ko pa ang malulutong niyang mura habang humahanap ng daan para makatakas sa akin. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon