AKI
"Don't worry, Captain. Walang mangyayari masama sa akin." Kalmadong sabi ko sa kanya.
Kanina ko pa iyon sinasabi dito kay Captain pero hindi talaga siya nakakampante sa mga sinasabi ko. Simula nung natanggap niya yung tawag hindi na siya mapakali at kulang na lang itali niya ako sa tabi niya para hindi ako mawala sa paningin niya.
"Hindi mo maaalis sa akin na hindi ako mag-alala, Aki. Ikaw ang punterya niya. Idadamay niya ang buong pilipinas para lang sa pera na hindi naman natin alam kung saan nakatago!" He looks so angry and frustrated.
Padabog kong binitawang ang kutsara at tinidor ko. "Alas dos pa lang ng madaling araw, King. Nagugutom ako at inaantok na ako. Pwede bang bukas na lang natin problemahin yung letseng Hunter na 'yon? Gusto ko lang naman kumain, pwede ba?!" Tumaas na din ang boses ko dahil sa inis.
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nanatili na din akong tahimik at hindi na siya pinansin hanggang sa matapos kaming dalawa kumain. Nauna akong tumayo at inilagay ko na ang pinagkainan ko sa lababo. Mayamaya ay nakasunod na siya sa likod ko si dala ang pinag kainan niya.
"Let me do the dishes. . ." Aniya at pumuwesto sa harap ng lababo.
Agad ko siyang tinulak para pigilan, "Ako na." Binawi ko ang plato na hawak niya at inilapag iyon sa sink.
"May sugat ka, Aki."
"Sa balikat at dibdib ako tinamaan ng bala hindi sa palad. Ako ang maghuhugas, umupo ka doon." Tinuro ko ang sofa sa kanya.
Walang imik siyang tumalikod at naglakad papunta sa sofa. Ako naman ay tinuon na ang tensyon sa paghuhugas ng pinagkainan naming dalawa. Mayamaya ay natigilan ako sa paglilinis ng sink nang may yumakap sa likod ko. Wala naman ibang gagawa nun sa akin kundi ang makulit na lalaking 'to.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko at mas niyakap ako ng mahigpit. Hindi siya nagsasalita pero alam ko na ang rason kung bakit niya ginagawa ito. Nang tuluyan ako matapos ayusin ang lababo naglakad ako palapit sa ref para magpunas ng kamay sa towel na nakasabit roon. Nakasunod lang siya sa akin habang nakayakap pa rin.
"Nabibigatan ako sayo." I told him.
"I'm sorry." Umalis siya sa likod ko at lumakad papunta sa harap ko. "I'm sorry kung naging makulit ako. I am just so afraid of what might happen to you. Hindi ko naman pwede basta balewalain yun dahil bukod sa maraming madadamay baka mapahamak ka pa."
Hinawakan ko ang kamay niya at bumuntong hininga. "I understand you, Love. I know you are just concern about me but as long i can iniiwasan ko siya mapag-usapan dahil alam mo naman na hindi pa 'yon kaya dalhin ng utak ko sa ngayon. I've been in a coma for 2 weeks. My mother just died without me. Gumising ako tapos ang bubungad sa akin ay yung balita na wala na si mama. How can I handle this situation if I am still in processing of her death?"
He kissed me on my forehead and hugged me. "I love you." He whispered.
"I love you, Captain." I hugged him back. "Promise, we will make it together. Magkasama natin siyang huhulihin."
Nanatili lang kami sa pwesto namin hanggang sa si Captain na mismo ang umalis sa harap ko at kinuha ang cellphone niya. May mga pinagpipindot siya doon bago siya bumalik sa akin at inilahad ang isa niyang kamay sa harap ko.
"Can i have a dance with you, My Love?" Nakangiting tanong niya at pinindot ang kayang cellphone dahilan para tumugtog ang pamilyar na kanta.
Playing 'Lover' by Taylor swift
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Are you a Taylor Swift fan?"
Tumango siya at ngumiti. "I am."
Excited kong tinanggap ang kamay niya. "Now I know that you're the one." Nakangiting sabi ko sa kanya bago naglakad pagaya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...