Kabanata 31

10.8K 142 31
                                    

AKI

"Welcome home, Love birds!"

Iyon agad ang sumalubong sa amin ni Captain nang makarating kami sa bahay ng parents niya. Ngayon kasi yung gabi na pinangako namin na dadalaw kami sa kanila for dinner.

"Mabuti at nakapunta kayo!" Tuluyan nang lumapit sa amin si Tita Andrea at ako ang una niyang niyakap bago si Captain. "I'm so excited to see you again, Akesha!" Halatang kinikilig pa siyang sabihin iyon.

"Ako din po, Tita. Thank you po for inviting me. . ." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mommy na lang kasi itawag mo sa akin! Magiging asawa ka na ng anak ko kaya parte ka na ng pamilya namin." Aniya at hinila niya na ako sa loob na para bang hindi niya napansin ang anak niya sa gilid ko. "Naghihintay na si Daddy Simon mo sa loob." Pakanta niyang sabi sa akin.

"Teka po si Captain po. . ." Nilingon ko si Captain na naiwan sa labas pero nakangiti lang si Captain sa akin at masayang nakatingin sa aming dalawa ng Mama niya. "Love!" Tawag ko nang hindi pa rin siya lumakad papasok ng bahay.

"Honey, Akesha is here!" Sigaw niya nang marating namin ang sala ng bahay nila.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Malawak at mukang mamahalin ang mga gamit nila dito. Actually hindi lang siya malawak, malaki talaga siya. Para siyang mansyon sa sobrang laki. Mayaman ba si Captain? Hindi ko man lang alam.

"Oh, Hi Akesha honey!" Narinig ko mula sa boses na nasa pinakataas ng hagdan.

May isang may edad na lalaki ang bumaba doon at sinisigurado ko na ang papa iyon ni Captain dahil mag kamukha sila. Grabe! Halos copy paste lang sila ni Captain! Si King yung version ng Papa niya noong kabataan niya.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa likod ko kaya napatingin ako doon. "He's my dad. . ." Ani Captain at ngumiti sa akin.

Nang tuluyan nang makababa ng hagdan ang daddy niya ay dumiretso ito sa akin at niyakap agad ako. "Finally, Welcome to our family!" Masayang sabi niya at tumawa pa.

Yumakap na lang din ako pabalik at ngumiti. "Thank you po, Tit-- D-Da. . ." Hindi ko matuloy ang word na daddy dahil nahihiya ako.

Matunog siyang tumawa at kumalas sa pag kakayakap sa akin, "Daddy." Siya na ang nagtuloy kaya nag tawanan kaming lahat dahil doon, "Please, honey, Don't be shy. Kami lang 'to."

"Opo. . . hehe." This is so awkward!

"Oh, Hi Son! Nandyan ka pala?" Nilingon niya ang katabi ko at nilapitam. "Di kita napansin." Pagbibiro niya bago niyakap si Captain.

"Okay lang. Di naman masakit." Nag bibirong sagot din niya sa ama.

"Aww, I'm so in-love with this family! We're finally complete now!" Lumapit sa amin si Tita Andrea na nangingislap pa ang mata sa sobrang saya. "Let's eat na nga bago pa lumamig ang mga niluto ko!" Sabi niya at naglakad na.

"Mabuti pa nga at kumain na muna tayo bago tayo mag kwentuhan." Ani Papa ni Captain at sumunod na sa asawa niyang nauna na sa dining area.

Nakangiting nilingon ko si Captain. "Ang cute ng Mama at Papa mo. . ." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Ba't ikaw hindi?" Nang-aasar na dugtong ko.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon