AKI
Narinig kong bumukas ang pintuan at pumasok doon si Captain na may dalang paper bags at sunflower bouquet.
Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng ref habang hawak ang isang baso na may laman na tubig.
Naglakad siya papunta sa sofa at doon nilagay ang dala niyang paper bag pero hindi ang bulaklak. Nagtataka siyang tumingin sa akin dahil hindi man lang ako lumapit o nagsasalita.
"Are you mad?" Maingat niyang tanong.
"Hindi." Sagot ko bago tumalikod at ininom ang tubig.
Hinugasan ko ang basong ginamit ko. Naghilamos din ako ng mukha dahil saktong kagigising ko lang.
"This is for you..." narinig ko siya sa likod ko kaya napalingon ako. "I hope you accept this," he handed me the bouquet.
Agad na nagsalubong ang kilay ko.
"Para saan 'yan? Bakit mo ako binibigyan niyan?"
May girlfriend siya! Bakit ganito na naman siya sa akin? Bakit umaarte na naman siyang walang karelasyon?
"Ayokong tanggapin 'yan, Captain." Aniko tsaka siya nilagpasan.
"Aki," tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
Dumiretso ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at napabuntong hininga. Ang gulo-gulo niya! Bakit kailangan niya akong paglaruan ng ganito? May girlfriend siya tapos... tapos ganito siya sa akin.
Kung sana lang wala siyang ibang babae sa puso niya baka matagal ko na siyang tinanggap.
Natauhan ako bigla sa naisip ko nang may kumatok sa pinto. Umayos agad ako ng upo bago pa man ito bumukas at pumasok si Captain. Nagsalubong ang tingin namin.
"I'm sorry, Captain..." mahinang aniko. Nabalot ng pagtataka ang reaksyon ng mukha niya. "Sorry sa pagsusungit ko." Dugtong ko.
Hindi siya nagsalita. Nag-iwas ako ng tingin. Sobrang higpit na ng kapit ko sa bedsheet. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Ang gulo-gulo. Pati sarili kong damdamin hindi ko malaman.
"We're leaving before 7..." Aniya tsaka nilapag ang paper bags sa gilid ko. "Fix yourself. May mga kailangan pa akong i-briefing sa'yo bago tayo aalis."
Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya hanggang sa tumalikod ito at humawak sa doorknob. Bago pa man niya binuksan ang pinto tumayo ako at hinawakan siya sa kamay.
"C-Captain, wait..."
Nagbaba muna siya ng kamay kong nakahawak sa kanya bago sinalubong ang tingin ko.
Bumitaw ako sa kanya at tumalikod.
"Nababaliw na talaga ako..." bulong ko at humawak sa ulo.
"What's wrong?" Nagtataka niyang tanong.
Huminga muna ako ng malalim bago humarap ulit sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya sa akin. Naghihintay siya ng sagot pero hindi ko magawang magsalita.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na para na akong nababaliw dahil sa nararamdaman ko sa kanya?
"Akesha..."
Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Napapailing naman akong natawa.
"Baliw nga talaga ako..." aniko tsaka humakbang palapit sa kanya at inabot ang labi niya.
Nakita ko ang paglaki ng mata niya bago pa ako tuluyang napapikit nang mag dikit ang labi naming dalawa.
Wala na akong ibang naiisip. Hindi ko na iniisip ang pwedeng kahantungan nito. Naiinis ako tuwing naiisip kong may realasyon sila ni Tanya pero mas naiinis ako dahil kahit alam kong may karelasyon na siya ganito pa rin ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...