R18
AKI
"Are you okay?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Captain.
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ko dito sa canteen. "May nangyari ba sayo? May masakit ba? Nahihilo ka-"
"I'm okay." I cut his words. "May iniisip lang ako but I'm okay." I told him.
"I'm not convinced. I know you're not okay, Aki. Please tell me. . ."
Bumuntong hininga ako. I looked at him sadly, "Natatakot ako." Pag-amin ko. Nag iba agad ang ekspresyon ng mukha niya.
"Natatakot ka saan?" He asked, confused.
"What if iwan mo ako? What if magmaka-awa din ako sayo na 'wag mo akong iwan gaya nung ginawa ko kay Ethan? Paano kung mag-sawa ka sa akin? Paano kung ma-realize mo na hindi mo naman pala ako gusto? What if we are not for each other? What if magising ka na lang na--"
"Mahal na mahal kita, Aki." Biglang aniya.
Tumitig ako sa kanya pero nananatiling may kaba sa loob ko. Simula kaninang umaga after namin mag-usap ni Tanya kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Pinagdudahan ko na yung pagmamahal niya sa akin. Natatakot ako kahit na hindi ko naman dapat to nararamdaman.
"Mukang kailangan ko ipaalala sa'yo araw araw na mahal kita." Mahinahong aniya sa akin.
Tumayo siya tsaka naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi tsaka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Yung nangyari dati hindi na mangyayari ngayon, Aki. Hindi ko gagawin sayo yung ginawa niya. . . Pangako."
Tahimik lang akong nakinig sa mga tinuran niya. Anong karapatan kong pagdudahan ang pagmamahal niya na kusang binigay sa akin? Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba ang hirap para sa akin paniwalaan ang salita niya?
"Ayaw ko nag-iisip ka ng ganyan, Love. Pakiramdam ko tuloy kulang yung pagmamahal na pinaparamdam ko sayo kaya ka nag-iisip ng ganyan." Malungkot niyang pag-amin sa akin.
"I'm sorry." I Caressed his face. "I'm so sorry."
He held my hand and kissed my fist. "Let's not talk about it anymore!" Binaling niya ang atensyon sa pagkain na nasa harap ko. "Kumain na lang tayo! Hindi tayo sabay kaninang Lunch kaya ngayong dinner na lang tayo magsasabay kumain." He's trying to change the atmosphere pero mas naging awkward lang kami.
"Okay this is not good." Tumigil siya sa pagkain bago nilapag ang kutsara at tinidor sa plato. "Hindi naman tayo nag-away pero bakit pakiramdam ko nag-away tayo?"
"Sorry, Captain." Nahihiyang aniko dahil pakiramdam ko ako ang may kasalan kung bakit kami ganito ngayon.
Umikibit-balikat siya at parang may iniisip. Mayamaya ay ngumiti siya sa akin matapos mag-isip, "Date tayo, Love?" Biglang aniya sa akin.
Huminto ako sa pagkain at nakangiting tumango. "Sige." Simpleng sagot ko.
"Tapos na duty mo diba? We're free now. I'll take you where you can relax your mind." Sa tono pa lang ng boses niya akala mo siguradong-sigurado talaga siya na makakapag relax ako.
Inutusan niya ako na mag palit kahit pants and shirt lang daw muna dahil sabi niya dadaan na lang daw kami sa bahay para makapag-palit ako ng maayos na damit. Pumayag na ako kasi kung makipag talo pa ako sa kanya pareho lang kaming magkaka-initan.
"Kahit tira niyo na lang sa pagkain niyo okay na sa akin, Aki." Kanina pa ako kinukulit ni Alex tungkol sa pasalubong daw niya. "Muka namang galante si Captain kaya sige na! Pero kung may konsensya ka at hindi mo ako hahayaan kumain ng tira niyo, bilhan mo na ang ako ng anything basta spicy." Nag pa cute pa siya sa harapan ko. Kapal ng mukha.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...