Kabanata 17

13.2K 201 51
                                    

AKI

"Captain!" Malakas kong sigaw tsaka tumakbo palapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

"Captain!" Muling sigaw ko habang inayos ang earpiece ko at nag babakasakali na marinig ko ang boses ni Captain pero wala!

Natataranta akong nag lakad pabalik sa sasakyan para umalis na dito dahil halos wala nang madaanan dahil sa malakas na pagsabog. Pinosasan ko muna ang kamay ni Ayidh at tinalian ang paa niya bago sumakay sa driver's seat para paandarin ang kotse.

Napatigil ako sa pag papaandar ng sasakyan nang makarinig ako ng kaluskos mula sa earpiece na suot ko. "Captain?" Kinabahan ako bigla. "Captain nasaan ka? Are you okay? Where are you? Pupuntahan kita, nasaan ka ba? Captain?!" Halos mangilid na ang luha ko sa sobrang takot at kaba dahil hindi siya nag sasalita.

"Tangina!" Malakas akong napahampas sa manibela bago muling pinaandar ang kotse para makalabas dito sa parking lot. 

Nang tuluyang makalabas ay huminto ako sa hindi kalayuan dito sa hotel. Kinuha ko ang telepono ko at mabilis na pinindot ang number ni Alex. 

"Oh?" Halatang nasa kalagitnaan pa ng pagtulog 'tong si Alex. "Bakit--"

"I need back up! I'll send you my location. Please, Puntahan niyo ako dahil nawawala si Captain hindi ko siya mahanap! Bilisan mo!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya. 

"Ha? Ano? Teka! Wait! Ano ba naman kagigising ko lang! Wait lang! Putcha saglit lang naman!" Natataranta niyang sabi. 

Pinatay ko muna ang tawag bago sinend ang location ko kay Alex. Napalingon ako kay Ayidh na hanggang ngayon ay walang malay.

"Tangina ka!" Naiinis na sabi ko. Sinandal ko ang ulo ko at napapikit sa inis. Binuksan ko ang bintana ng kotse saka tinanaw ang maraming ambulansya at bombero na ngayon ay abala sa pangyayari. 

"Akesha!" Sigaw iyon galing sa harap. "Akesha stay there!" Sigaw niya ulit. 

Agad akong tumingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. "Captain!" Dinungaw ko pa ang ulo ko sa labas ng bintana ng kotse para makita siya nang maayos dahil natatakpan ito ng ilaw mula sa sasakyan. 

Natigilan ako sa pag bukas ng pinto nang makita kong hindi siya nag-iisa. Kinuha ko agad ang baril ko na nasa binti ko nang makita si Pablo sa likod ni Captain na may hawak na baril na nakatutok mismo sa sintido ni Captain. 

"Don't come!" He shouted again. 

"Akala mo ba naisahan mo ako, Ruiz!?" Sigaw ni Pablo sa akin. "Ulol! Bobo kayo pareho nitong Captain mo!" Aniya at tumawa ng malakas. 

Padabog kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Tinutok ko agad ang baril ko sa gawi nila at dahan-dahan na naglakad papunta sa unahan ng kotse. 

"Diyan ka lang! Papasabugin ko bungo nitong Captain mo!" Umatras siya habang hila-hila si Captain. 

"Akesha please. . . Bumalik kana sa sasakyan at pumunta ka na sa headquarters! Just this time makinig ka sa akin." Singit ni Captain. 

Tiningnan ko ang kabuuan ni Captain, nakatali sa likod niya ang kanyang mga kamay at may dugo sa kanyang noo at labi. Wala na rin sa kanya ang baril niya at halos mag kanda punit-punit ang suot niyang damit pantaas. 

Tumawa ng malakas si Pablo at nakakalokong tumingin sa akin. "Oh, Ruiz, makinig ka sa Captain mo. Umalis ka na lang at hayaan mo na lang akong patayin itong lalaking to gaya ng ginawa mong kapabayaan 9 years ago. . ." 

Natigilan ako sa sinabi niya. Mas lalo siyang ngumiti nang nakakainis sa akin na animo'y may alam sa nangyari sa akin 9 years ago. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang nakaramdam ako nang panginginig sa tuhod at kamay ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga na para bang may sumasakal sa akin lalo na nang may pangyayari ang biglang lumitaw sa isipan ko. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon