AKI
"Imbes na nasa hospital ka and taking care of your check up at obgyn, you are here in front of me with complete military uniform, holding a rifle gun, smiling at me like you are not a pregnant woman." Captain said.
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. "Pag-uusapan na naman ba natin 'to?"
"Aki you don't have to do this. Delikado 'tong operation ngayon. Hindi ako papayag na mapahamak kayo ng anak ko."
We are here in the area together with the whole squad from different platoons. This is the day. Nag hahanda na kami para pumasok sa hideout ni Hunter. Nasa amin na ang pera at ang tanging gagawin na lang ay ibalik iyon sa kanya.
Nang malaman ni Hunter na hawak na namin ang pera ay agad siyang nag padala ng message kung saan at kailan kami magkikita. Hiniling niya na ako at si Alex lang daw ang papasok sa loob para iabot ang pera at ang mga kasamahan ko daw na sundalo sa labas lang.
Understandable naman ang pag-aalala ni Captain para sa akin pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi kami ang mag dedesisyon dito. Iyon ang kabilinbilinan ni Hunter bago kami nawalan ng komunikasyon sa kanya. Walang ibang tao ang mag hahatid sa pera kundi ako at si Alex.
"Captain sundalo tayo. Alam kong alam mo na sila muna bago ang sarili natin. Hindi lang buhay nating mga sundalo ang nakataya dito kundi kasama ang milyong Pilipino. Alam mo na kayang-kaya niya tayong burahin sa isang pindot niya lang sa button na 'yon. Kapag hindi ko 'to ginawa mapapahamak tayong lahat—"
"So it's okay to risk yourself and our baby?" He cut what I'm saying. Medyo tumaas pa ang boses niya nang sabihin iyon. He is so angry but concerned at the same time.
"Captain. . ."
"You always think about them but you never think about me. I am your damn fiance, Aki! I am your family… I know as a soldier we are holding the lives of millions of Filipinos in our hands but just in case you forgot you are also holding the life of our baby... I understand that our priority now is the safety of our people but that doesn't mean you need to sacrifice your life and our baby's life, Akesha!" He was holding his tears while he's saying those words.
"I love you." Tanging nasabi ko.
Nag-angat siya ng mukha at nag-aalalang akong tingnan. Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Promise me you'll come back to me. Don't you ever dare leave me, Aki. Kailangan mong bumalik ng buhay sa akin."
Naluluha akong tumango-tango sa kanya. "I will, My love." Tuluyan na akong nakaramdam ng takot sa harap niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.
"I love you so much, Captain." Umiiyak na sabi ko.
"Love," emosyonal na aniya habang pinupunasan ang luha ko. "Don't do this please..."
This is not a typical operation na ginagawa namin. Ngayon, hindi ako sigurado kung makaka-uwi pa ako ng buhay sa oras na pumasok na kami sa loob. He is criminal. Kayang-kaya niya kaming durugin pag nagustuhan niya.
Masyado pang madilim dito sa paligid at puro puno pa. Maraming bangin at ang dulo ng lugar na 'to ay dagat pa. Kung hindi man tumupad sa pangako si Hunter, lahat kami na narito ngayon, maglalaho na lang na parang bula.
"Ruiz, it's time." Boses iyon ni Colonel Andres.
Huminga muna ako ng malalim bago pinunasan ang luha ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan maiyak ulit pero kusa na lang itong tumulo nang makitang umiiyak na ngayon si Captain.
"Love please don't cry. . ." Inabot ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. "Don't do this to me please, Captain." Nanginginig na ang mga labi at kamay ko.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...