AKI
"I love you. . ." maluha-luha kong sabi kay Captain.
"I love you too, Akesha." Sinsero niyang sabi sa 'kin bago lumuhod gamit ang isang tuhod.
Pinunasan niya ang mga luha ko bago ako hinila palabas sa tinataguan ko. Nang makatayo kami pareho inayos niya ang damit ko at pinagpagan pa ang bandang pwetan ko.
"Hindi ka ba nangalay?" He asked while he's fixing my uniform.
Umiling ako. "Hindi."
Umupo siya sa swivel chair niya at tsaka pinaupo niya ako sa binti niya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya nang maramdaman na tutulo na naman ang luha ko.
"Captain? Bakit ginagawa mo 'to para sa 'kin?" Tanong ko.
"Because I want to." Aniya tsaka natawa habang hinahaplos ang pisngi ko. "I want to get rid all the pain inside your heart, My Love. Masyado ka na nasaktan kaya hinding-hindi ko na hahayaan na maramdaman mo ulit 'yon. Matagal na kitang gusto damayan sa sakit na nararamdaman mo kaya ngayong may pagkakataon na ako, hindi na ako aalis sa tabi mo."
"What do you mean?" Nilayo ko ang mukha ko sa dibdib niya at tiningnan siya. "Kahit anong isip ko wala akong maalala na nag kita or nagkausap na tayo."
"Tsk. That's sad, Akesha. Ako nga hindi kita kinalimutan tapos hinintay pa nga kita." Nadidismayang aniya. "We met when we were in college. That time, I was graduating and you're in your 3rd year college. I am your senior and I even trained you at that time." Pag k-kwento niya pero kahit anong isip ko hindi ko talaga siya maalala.
"Baby! Are you serious?" He looks so frustrated.
"I still can't–"
"I will not tell you the whole story, Aki. Try to remember it, Love. It's a special moment for me."
"Pero wala nga kasi talaga akong maalala!"
"Then, you're unfair, Ruiz." Nagagalit na aniya. Hindi ko tuloy mapigilan matawa dahil sa reaksyon niya. "What's funny?" Masungit niyang tanong.
"Bakit hindi mo ako niligawan noon? Kung niligawan mo ako sana hindi ka na naghintay ng matagal."
"Kung pwede lang ginawa ko na, Akesha. But you had a boyfriend that time, remember? . . . That guy who made your heart broken until now." Bagamat maingat niya iyong sinabi sa akin pero iba ang naging pakiramdam ko doon.
Hindi ako umimik at maging siya ay natahimik pagkatapos sabihin iyon. Tumayo ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
"U-Una na ako." Pilit ko mang itago pero halatang nag bago ang timpla ng mood ko.
Agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan umalis. "I'm sor--"
"Bukas na lang tayo mag-usap, Captain. Baka hinahanap na ako ni Alex kaya mauna na ako." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nag-aalala niya akong tiningnan at hindi na pinigilan. Para namang piniga ang puso ko nang makita ang reaksyon ng mukha niya. Pero kasi. . . Pag hindi ako umalis ngayon baka kung ano ang masabi ko sa kanya.
Bago ako tuluyang makalabas ng opisina niya ay huminto ako
"I'm not mad at you, King." I told him bago tuluyang lumabas.
Dumiretso ako sa pinakamalapit na CR at doon nag kulong sa bakanteng cubicle. Tiningnan ko ang mga kamay ko dahil nag simula na itong manginig at ganun din ang tuhod ko. Napahawak ako sa ulo ko nang mag simula din itong sumakit lalo na nang maalala ko ang pangalan at mukha ng lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
AksiTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...