AKI
"In my office, now."
Pare-pareho kaming nagbaba ng kamay matapos niya kaming talikuran. Sumunod sa kanya ang mga kasama niyang sundalo maliban sa isa. Lumapit 'yon sa amin kaya napa-ayos ulit kami ng tayo para sumaludo sa kanya na agad din naman siyang sumaludo pa balik.
"I'm first lieutenant Salazar," inilahad niya ang kamay niya. Unang tumanggap nun si Alex kasunod ako.
"Staff Sergeant Medina po." Pakilala naman ni Alex habang nakangiti.
"Staff Sergeant Ruiz." Pakilala ko rin.
"Private first class Arciaga naman po, Sir." Pagpapakilala rin ni Gerald.
"Welcome to our team!" Nakangiting aniya. "Ihahatid ko nalang sa barracks ninyo ang mga gamit niyo pero as of now, sumunod na muna kayo kay Captain sa office niya. Late kayo first day niyo panaman."
"Ma'am, Sir, mawalang galang lang po... Kailangan ko na rin po kasi bumalik kay General Orlando para mag report. Mauuna na po ako." Tumindig siya at sumaludo.
"Sige, salamat at mag-ingat ka." Aniko.
"Tara na, ihahatid ko na kayo sa opisina ni Captain." Anyaya ni Sir Salazar.
Nanguna sa akin si Alex sa paglakad habang ako naman nililibot ang mata sa bawat magagandang lugar dito sa area. Mas malaki 'to kumpara sa headquarters namin sa kabila.
Mayamaya pa tumigil kami sa isang silid na may kulay itim na pintuan. Kumatok ng tatlong beses doon si Lieutenant Salazar.
"Captain, nandito na sila Ruiz at Medina." Aniya.
"Come in," ani boses sa loob.
Sumenyas sa amin si lieutenant na kami na ang mag bukas ng pinto. "Mauuna na ako, ipapaayos ko pa ang tutulugan niyong dalawa."
"Thank you, sir." Nakangiting sabi ni Alex. Ako naman tumango lang.
Nang makaalis na siya dali-dali kong tinulak si Alex para buksan ang pinto. Nakipag hampasan pa muna siya sa akin bago niya 'yon tuluyang gawin.
Pag pasok pa lang namin agad na bumungad ang table niya. Naroon siya naka-upo sa swivel chair habang may hawak-hawak na mga papel na nakalagay sa folder. Sa lamesa niya naman naroon nakalagay sa isang mahabang babasagin ang buong pangalan niya.
'CPT. King Adrian Vendalle'
Nang mag tama ang tingin namin doon lang ako natauhan kaya dali-dali kong kinalabit si Alex. Pareho kaming tumindig ng tayo habang nasa likod ang kamay at diretso ang tingin.
"Take a seat." Utos niya.
Palihim kong tinulak si Alex para umupo sa unang upuan na naroon dahil nasa mismong harapan iyon ni Captain. Pinandilatan ko siya ng mata at pilit kong tinulak si Alex na mauna sa akin umupo pero umupo naman ito sa pangalawang upuan tsaka nakakainis na ngumiti sa akin.
Nakaharap kaming pareho sa kaliwang bahagi. Sakto namang dumako ang tingin ko sa picture frame ni Captain na nakasabit sa pader. Nakasuot siya ng magandang uniporme dala-dala ang ranggo niya... Ang tapang talaga ng awra niya.
"How was your last mission?" Tanong niya habang ang atensyon ay nasa papel na binabasa.
"Naayos naman po agad yung problema sa area kaya hindi rin po kami nag tagal doon. Nahirapan lang po kaming mahuli ang pinaka leader sa kanila dahil palipat-lipat po siya ng lugar." Sagot ni Alex.
"Hmm... what happened to Alonzo?" Binaba niya ang hawak niyang papel tsaka sumandal sa swivel chair.
"Patay na po si Alonzo." Si Alex ulit ang sumagot.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...