AKI
"Malamig na yung breakfast natin, Captain."
Tumayo ako tsaka inayos ang damit ko. Naka-sunod lang siya ng tingin sa akin habang nakangiti. Inabot ko ang kamay ko sa kanya, "Kain muna tayo."
Inabot niya ang kamay ko bago tumayo. Diniretso niya ang isa niyang kamay sa balikat ko para umakbay.
"Toothbrush ka muna." Utos niya.
Tumango lang ako sa kanya. Hindi katulad dati nahihiya ako after ng ginagawa namin pero ngayon hindi na. Dumiretso kaming pareho sa bathroom tsaka ko kinuha ang toothbrush ko at nilagyan iyon ng toothpaste.
"Let me," Kinuha niya sa akin ang toothbrush ko dahil gusto niya na siya ang mag toothbrush sa akin. Hawak-hawak niya na ang baba ko habang seryoso siya sa ginagawa niya.
After niya akong sipilyuhan ay nilagyan niya ulit iyon ng toothpaste para gamitin iyon sa sarili niya.
"Hoy di mo man lang binanlawan bago mo ginamit!" Aniko bago yumuko para makapag mumog.
Dumura muna siya tsaka nag mumug rin. "Let's go?"
Tinanguan ko siya at muling yumakap sa kanya hanggang sa makarating na lang kami sa dining area. Hindi na natanggal ang ngiti sa labi ko simula kanina pa. Halatang-halata na kinikilig ako dahil sa kanya.
Nakapangalumbaba siyang tumingin sa akin. "You know what, Love? I really love your smile. Everytime na nakikita ko yung ngiti mo na ganyan parang gusto ko na lang lumuhod at ialay sayo ng buo ang buhay ko."
Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, "Kung ikaw lang din naman yung alay, why not?" I jokingly said.
"Are you really happy?"
"Sobra!" Masayang sagot ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Thank you for making me happy. This really means a lot to me."
"You deserve to be happy, Love." He kissed my forehead. "Hindi nga lang ito ang pinaka romantic proposal and this is not what I planned. You deserve more than this." He sounds disappointed to himself.
"You don't need to plan a romantic proposal for me, Love. As long as you ask me and you're ready to marry me, kahit nasa gitna pa tayo ng giyera sasagot ako ng oo kasi mahal kita." I tried to cheer him up so he wouldn't feel disappointed.
After we ate, sabay pa kaming naligo at syempre alam niyo na kasunod nun. Naka civilian parin kaming dalawa dahil wala naman kaming dalang uniform. Maaga pa naman kaya makakapag palit pa kami sa barracks bago mag duty.
"Drive thru muna tayo, Captain" I told him while fixing my seatbelt.
Nagtataka niya akong nilingon. "Gutom ka na naman? Hindi ka ba nabubusog, Love?"
"Hindi para sa akin, para kay Alex. Nag papabili siya ng pasalubong kagabi. Bilhan na lang natin para di ako kulitin mamaya." Pagpapaliwanag ko.
Hindi na lang siya kumibo. Sinunod niya na lang ang sinabi ko at dumaan kami sa una naming nadaanan na Jollibee.
"Anong gusto niya?" Captain asked me.
"Spicy chicken, fries, and burger."
"Yun lang? Wala na bang iba? Maybe she wants sundae, spaghetti or pies? What about her drinks?"
"Gusto mo ba na orderin na lang natin yung buong nasa menu?" I asked him.
"Okay!" He happily answered.
Napairap na lang ako sa kanya ng haplusin niya ang mukha ko. Nang kami na ang sunod na o-order hindi na ako nakialam sa mga pinag oorder niya dahil siya naman ang mag babayad at hindi ako.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...