Kabanata 46

12.5K 141 41
                                    

AKI
R-18

"Anong pangalan nila?" He asked. 

Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. 

"Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. 

"Anong ginagamit nilang surname?" 

"Yung sayo." 

"Paano nangyari 'yon?"

"Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. 

"What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" 

"Oo." 

"Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." 

"Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—"

"That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. 

Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. 

Naramdaman kong tumayo siya at nag lakad papunta sa harap ko. "Tama na…" Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. "Tama na kakaiyak." Aniya habang inaayos ang buhok ko na nasa mukha ko na. 

"Sorry na. . . Hindi na ako ulit mag sisinungaling sa'yo." Umiiyak na aniko. 

"Dapat lang, Aki." Muli niyang pinunasan ang luha ko. "Tama na. Pag pahingahin mo nga yang mata mo sa kakaiyak. . . Stop na." 

Tumango ako at pinunasan din ang luha ko habang nakayuko. 

"Wag kang yumuko di ko makita mukha mo." Aniya at muling inangat ang mukha ko at tinitigan.

"Galit ka pa ba sa akin?"

"Hindi ko naman kayang magalit sa'yo ng matagal." Bago pa man tumulo ang luha ko ay napunasan na niya ito. "Pero nag tatampo parin ako. Iniwan mo ako, Akesha." 

"Hindi ko na ulit yun gagawin. . ." 

"Dapat lang." 

"Sorry. . ."

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako nang pagdikitin niya ang noo at ilong naming dalawa. 

"You're forgiven, My love." Mahinang aniya. 

My love… Ang tagal kong hindi narinig ang salitang 'yon. Naiiyak na naman tuloy ako!

"Captain. . ." Napahagulgol na naman ako ng iyak dahil sa pagtawag niya sa akin. "Captain!" at tuluyan na ulit akong humagulgol ng iyak.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang pinupunasan na naman ang luha ko. "Stop crying na…" 

"Na miss kita!" Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at doon umiyak nang umiyak sa dibdib niya. "Hindi na ako aalis, pangako. Miss na miss kita, Captain."

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon