AKI
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang braso ko. Napainda pa ako habang mabagal kong ginagalaw ang nangangalay kong braso.
"Shit naman." Mahinang aniko habang mahinang hinihilot ang braso ko.
Nakasimangot akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Hala! Nakatulog pala ako dito sa sofa ng opisina ni Captain habang umiiyak kanina.
"Teka anong oras na ba?" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Shit! Shit! Shit!" Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng madaling araw.
Nag mamadali kong hinanap ang number ni kuya Akiro para itanong kung kamusta na yung kambal pero natigilan ako bigla nang makitang hindi pala ako nag-iisa dito sa opisina.
"Captain!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at nakakunot noo na nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?!" Pinagkunutan ko din siya noo.
"Wala naman akong sasabihin." Malamig pa sa yelo niyang sabi!
Imbes na pansinin pa siya ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag dial ng number ni Kuya. Nang mag ring na ito ay tumayo ako at nilagay na sa tainga ko ang cellphone. Lalabas na sana ako sa opisina niya nang magsalita siya bigla.
"Stay." He commanded.
Naguguluhan ko siyang nilingon, "Ha?"
"Bingi ka?" Masungit niyang sabi.
"Baliw ka?" Asik ko pabalik.
Siraulo 'to. Nakita naman niyang may kakausapin ako tapos gusto niya mag stay ako.
"Stay." Pag-uulit niya, mas madiin ang pagbigkas.
Inirapan ko siya at humarap sa kanya. "May kakausapin po ako oh. . ." Pinakita ko ang cellphone ko sa harap niya.
"Ano naman?" Talagang nagsusungit siya.
Bumuntong hininga akong bumalik sa sofa. Pinag cross ko ang mga hita ko at naiinis na sumandal. Diretsahan ko siyang tinitigan at ganun din siya sa akin.
[Yes, baby?] Si Kuya Akiro iyon.
"Kamusta?"
[Tulog na sila. Hinahanap ka nila kanina pero hindi naman kita matawagan. Nasaan ka ba?]
"Nasa impyerno." Walang gana kong sagot.
[What? Anong pinagsasabi mo? Are you okay?]
"Hmm. Kakagising ko lang nakatulog kasi ako. Hindi kasi ako ginising nang magaling na lalaki dito eh." Inirapan ko pa si Captain dahil naiinis ako sa kanya.
"Tsk." Rinig kong usal niya pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Crush ata ako nito, eh.
[Si King ba yan?]
"Oo."
[Okay ka lang?]
"Hmm." Hindi! Sinong magiging okay kung yung kasama mo dito mas malamig pa sa bangkay kung maki tungo? "Uuwi na din ako." Dugtong ko.
[Okay, take care. Love you.] Aniya sa kabilang linya.
Ngumisi ako at nakaka-asar na tinignan si Captain, "I love you." Nakangiti kong sabi.
Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang awra ng mukha ni Captain. Siya na ang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Na guilty tuloy ako!
[That's the first time, huh? Are you okay?] Naroon ang pag tataka sa boses ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...