SPECIAL CHAPTER

14.6K 192 59
                                    

AKI

"Captain manganganak na ako!" 

Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. 

"Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. 

Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.

Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. 

Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?"  

"Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni baby tapos—" natigilan ako sa pagsasalita nang makita ang mukha ni Captain. "Hoy! Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak dahil sa itsura niya. "Ako yung manganganak hindi ikaw, bakit ganyan ang itsura mo?" 

Namumutla kasi siya! 

"W-Wait!" Tumayo siya at tumakbo palabas ng kwarto. Naiwan akong mag-isa dito habang nag titiis sa sakit ng tyan ko. "Here!" Dali-dali siyang lumapit sa akin dala ang isang baso ng tubig. "Uminom ka muna to calm yourself." Aniya pero imbes na ako ang uminom ng tubig, siya ang uminom at umubos nito! 

"King!" Naiinis na sabi ko nang ibinigay niya ang baso na walang laman sa akin.

"W-What should i do?" Kinakabahan na tanong niya sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Dalawa lang tayo dito sa condo kaya umayos ka nga, Love! Baka imbes na ako ang maconfine baka ikaw pa ang mauna sa akin! Kumalma ka! Para ka namang hindi naging sundalo, eh!"  

Bumuntong hininga siya para pakalmahin ang sarili niya. "Sorry, Love. I'm just so nervous. T-Tell me, anong dapat kong gawin?" 

"First, change your clothes. Kaya ko pa naman tiisin 'to. Double time na lang para–-" 

"Okay!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko at mabilis na hinubad ang suot-suot niyang coat at longsleeve na halos magkanda punit-punit sa kanya. 

"Kalma naman, Captain!" Panunuway ko dahil napunit na nga ito nang tuluyan.

"What's next?" 

"Yung mga bag na inayos natin last time ilabas mo na. Then yung bag ko kunin—"

"Got it!" Hindi na naman niya ako pinatapos dahil ginawa niya na ang mga sinabi ko.

Napailing na lang ako at napahaplos siya sa tiyan. "Anak pasensya ka na sa Daddy mo, ah? Hayaan mo mabait naman 'yan, eh…" Bulong ko.

Mabuti na lang talaga wala dito yung kambal dahil hindi ko na alam gagawin ko kung tatlo na silang aalalahanin ko sa ganitong sitwasyon. 

"Next, love?" 

"Magpapalit ako ng damit dahil nabasa na—"

"I'll get you a dress!" binitawan niya ang bag ko at tumakbo papunta sa cabinet para kumuha ng masusuot ko. 

"Yung maluwag please…" 

"Yes, love!" Aniya at pinaghahagis sa sahig ang mga damit namin nang hindi niya mahanap yung mga dress ko! 

"King Adrian! 'Wag ka nga magkalat!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. 

Diyos ko! Mapapaanak ako ng wala sa oras dahil sa kanya! Ano ba namang nangyayari dito sa asawa ko, masyado namang natataranta.

"I can't find anything!" He said in frustration. Pinaghahagis niya pa yung mga damit namin sa sahig! 

"The blue one, Mahal ko!" Kalmadong sabi ko. 

Bagsak ang balikat siyang humarap sa akin. "I'm so nervous…" Pag-amin niya. "I don't know what to do." 

Natawa ako, "Para ka din si kuya Akiro, eh! Alam mo bang nahimatay yun nung nalaman niyang manganganak na ako sa kambal. Tatlong oras siyang tulog. Gusto mo bang ganun mangyari sa'yo?" 

Hindi siya sumagot. Kinuha niya na lang yung dress ko at underwear bago lumapit sa akin. Inalalayan niya akong makatayo at tinulungan din hubarin ang suot ko. 

"Kaya mo pa ba?" Tanong niya habang sinusuotan ako ng underwear. 

"Konti." Napapikit ako nang may sumipa ng malakas sa tiyan ko. "Labas na labas na yung anak mo." 

Dinampian niya ng halik ang tyan ko bago siya tumayo ng maayos sa harap ko. "I'm sorry for making you feel so much pain, Aki. Last na 'to na promise! I'll use protection na." 

"Sira-ulo!" Natawa na lang kaming pareho habang binibihisan niya ako. 

Nagawa niya pang suklayin at talian ang buhok ko bago kami tuluyang umalis para pumunta sa ospital. Mabuti na lang ay tinulungan kami ng guard nung makarating kami sa lobby dahil mas sumakit na ang tiyan ko. 

Pag dating namin sa hospital dumertso na agad kami sa delivery room kasama si Captain dahil ayaw na bumitaw sa kamay ko kaya napilitan na lang silang isama siya sa loob. Kulang na lang siya yung humiga sa higaan ko dahil sa sobrang kaba niya! 

My Doctor looked at him worriedly. "Mr. Vendalle kaya mo po ba? If hindi you can wait outs—"

"No! I'll wait for my wife and my child here." Pagmamatigas niya pa. 

"Hayaan mo na, Doctora." Singit ko. 

Nasa ulunan ko siya at hawak-hawak ako sa magkabilang kamay. Panay ang halik niya sa noo ko sa tuwing matatapos akong umire. Halos madurog ko na nga ang kamay niya sa sobrang pagkakahawak ko. 

"Okay Akesha again, last push, Mrs. Vendalle. . . One, two, three, push!" 

"Okay baby, you can do it! I am here! You're doing great, My wife…" Captain is trying to cheer for me. 

"Ahhh!" Halos ibuhos ko na ang lahat ng lakas na meron ko sa huling pag-ire ko. 

Ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko ngayon ay naglaho bigla nang marinig ko ang iyak ng anak ko. 

"It's a healthy baby boy!" The Doctor said. 

Nanghihina akong napangiti nang paulit-ulit kong narinig ang malakas na iyak ng anak namin. Napatingin ako sa gilid ko kung saan naroon si Captain at nakangiting nakatunghay sa bata. 

"Love?" Hinaplos niya ang noo ko at hinalikan ako sa labi. "I love you…" He suddenly said with his teary eyes.  

"Same." nanghihinang sabi ko na ikinatawa naman nung mga nurse na naglilinis sa akin. 

"Love naman!" Nagmamaktol na aniya. 

"I'm tired." Sabi ko na lang sa kanya. 

Hinalikan niya ako sa sintido. "Thank you for making me happy everyday." bulong niya. 

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Hindi ko na kayang magsalita pa. I'm so tired. Ang sakit pa ng ibaba ko. 

"So, what's the name of this baby boy?" Lumapit sa amin si Doctora dala-dala si Baby. 

Nagkatinginan kami ni King nang makalapit sa amin si Doctora. 

"Akian Prince Vendalle." We both said. 

Unlike before, i have no one beside me while im giving birth to our twins. But now, I have him to give me strength. I have him to cheer me up, and I have him to welcome our child together.

King, Akhin, Keisha and Akian. . . My beautiful family. 

The end.

A/N: I can't move on these two! I just wrote this chapter to give tribute to Aki and King. I just miss the moments of this couple. Hope you enjoy it!

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon