Kabanata 1

31.5K 433 75
                                    

......
Just be reminded that this story is not perfect. Marami po kayong makikitang mistakes dito gaya ng grammar, punctuations, information and so on. Thank you :))

(Dahan-dahan naman po sa pagbabasa, konting chapter pa lang naeedit ko dito 😭)

THIS STORY IS UNDER EDITING
.......

AKI

"Tama na!"

Agad akong nag mulat ng mata at umahon sa pagkakahiga dahil sa isang masamang panaginip. Hingal na hingal at pawis na pawis ako. Nanginginig na rin ang tuhod at kamay ko.

"Aki?" Nagmamadaling lumapit sa akin ang pinsan ko. "Anong nangyari?" Pinunasan niya ang noo ko gamit ang mga palad. "Anong nangyari? Bakit pawis na pawis ka?"

Imbes na sumagot ay tumayo ako at kumuha ng tubig. Ininom ko iyon pero natigilan din nang makita ang nag-aalalang mukha ni Alex.

"Wala. Naalimpungatan lang ako." Sabi ko na lang sa kanya para hindi siya mag-alala.

"Napanaginipan mo na naman ba ulit?" Sumunod siya sa akin.

Mas pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya dahil baka tuluyan na akong maiyak sa harapan niya pag nagsalita pa ako.

Ayaw kong makita niya akong umiyak na naman dahil sa paulit-ulit na rason kaya magtatago na lang ako para hindi niya ako makitang ganito.

Tahimik lang akong naglalakad sa hallway nang makasalubong ko ang Secretary ni General Orlando at sinabi na pinapatawag kami ni Alex sa opisina niya.

"Ngayon na ba?" 

"Yes, ma'am. Importante daw po."

"Sige, sige! Susunod ako. Paunahin mo na si Alex doon."

"Yes, ma'am."

Nang marating ko ang comfort room agad kong tiningnan kung may ibang tao ba dito bago ito nilock. Bago pa man ako makaharap sa salamin bumagsak na ang mga luha ko. Kitang-kita ko mula sa repleksyon ko sa salamin kung gaano ako kahina pagdating sa ganitong sitwasyon.

Yumuko ako at huminga ng malalim. Pilit kong pinipigilang ang pagtulo ng luha ko. Para hindi maging halata na umiyak ako naghilamos ako mg mukha at pilit na ngumiti sa salamin.

"You can do it, Aki!" I cheered myself.

Matapos ang ilang minuto na tinagal ko sa CR napagdesisyonan ko na pumunta na sa opisina ni General Orlando. Pag pasok ko doon si Alex ang unang bumungad sa akin na nakaupo na. Nang makita niya ako agad siyang lumapit sa akin at tumitig sa mismong mata ko.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"CR." Simpleng sagot ko tsaka siya nilagpasan.

Sumunod siya sa akin at umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Umiyak ka?" Tanong niya, hindi ako makasagot.

"Staff sergeant Ruiz and Staff sergeant Medina..." ani pamilyar na boses galing sa pintuan.

Awtomatiko kaming parehong tumayo ng tuwid at sumaludo nang makitang si General Orlando pala iyon.

"Salute, Sir!" Sabay naming sabi ni Alex.

Mabuti tama lang ang dating niya dahil hindi ko na kailangan magpaliwanag kay Alex.

Sumenyas siya sa amin na ibaba na ang kamay at umupo kaya agad namin iyong ginawa.

"Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ko.

Kinuha niya ang isang folder at iniabot 'yon sa akin.

"Bukas na bukas mag report kayo kay Captain Vendalle ng Delta force. Ipahatid ko na lang kayo kay Arciaga para hindi na kayo mahirapan sa pagpunta sa headquarters nila." He said.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon