Kabanata 38

10.5K 146 72
                                    

AKI

"Love mag pregnancy test ka after this, please. . ." Pangungulit niya sa akin simula pa kanina.

"Ayoko. Bakit ba ang kulit mo?" Dumaloy ang inis sa buong sistema ko. "Pag ako hindi mo tinigilan hindi kita papansinin ng siyam na buwan." Dugtong ko pa.

He shut his mouth and stared at me. I just rolled my eyes and left him alone in this car. Dalawa na lang kasi kaming narito sa loob dahil nauna na si Alex At Sir Cedrick pumasok sa school kung saan nangyari ang pagsabog. Lalayo na lang ako dahil inaatake na naman ako ng topak ko.

Wala sa mood akong nag lakad palapit kila Alex na nakikipag-usap sa mga pulis. Hindi din ako nag tagal doon dahil nahagip ng tingin ko ang ginamit na bomba na nakalagay na ngayon sa isang gilid. Akma na sana akong lalapit doon nang pigilan ako ni Alex.

Hinawakan niya ako sa braso para pigilan mag lakad. "Teka lang Aki, baka biglang sumabog ulit yan."

"Hindi na sasabog yun. I need to check it, Alex." Tinanggal ko ang kamay niya at nagpatuloy na ako sa pag lakad.

Agad na nag salubong ang dalawang kilay ko nang makitang hindi ito normal na bomba. Mukang galing pa ito sa ibang bansa dahil sa kakaibang itsura nito.

"What do you think, Ruiz?" Si Captain iyon na tumabi sa akin habang nakatingin din sa bomba.

"Galing Russia. . ." Pagtutukoy ko sa bomba. "Katulad na katulad niya yung bomba na nakuha namin ni Alex nung naka-engkwentro namin si Alonzo." Tinignan ko muna si Captain bago naman nag lakad para makita ang building na pinasabog nila.

Building ito sa pinakadulo. Halos maging abo ito sa sobrang lakas ng pagkasabog. "He's really out of his mind. Nagawa niya tong gawin sa mga batang walang kaalam-alam sa nangyayari." I hold my fist and grind my teeth in so much anger, "Sarap tirisin tang-ina." Nanggigigil na bulong ko.

"Sir?!" Tawag iyon mula sa likod namin.

Pareho kaming lumingon dahil boses ni Alex ang narinig ko. Lumapit ito sa amin dala ang mga papel.

"Thanks God, there's no casualties." Napabuntong hininga si Alex nang makahinto siya sa harap namin. "Yung building na pinasabog nila hindi na daw yun nagagamit matagal na. Mabuti na lang talaga at iyon ang pinasabog nila dahil kung nagkataon na yung Building A,B, or C yung pinag-tripan nila maraming bata ang mawawala!"

"Warning, huh?" Captain smirked, "He just did this to give us a warning? Warning my ass."

"Where's the principal of this school?" I asked Alex.

"Nandon." Tinuro niya ang pwesto ng mga pulis. "Tawagin ko?"

"Yes, please."

Pag-alis ni Alex ay nag lakad naman kami ni Captain palapit doon sa building. Nag kalat na ang ilang mga hallowblocks sa paligid ganun din ang mga buhangin. Umuusok-usok pa ito at kahit sampung kilometro ang layo namin sa building ramdam na ramdam ko ang init nito.

"Wait." Hinawakan ni Captain ang kamay ko para pigilan. Nilabas niya mula sa bulsa niya ang isang panyo. "Cover your mouth and nose." Aniya at inabot ang panyo sa akin.

Kinuha ko na lang din iyon at sinunod siya, "Paano ka?"

"I'm fine, don't worry." Nginitiann niya pa ako. "Besides, ikaw yung dapat mas mag-ingat ngayon." Ito na naman siya. Yung tungkol na naman sa pagbubuntis ang tinutukoy niya!

"Captain hindi nga ako bun--"

"Hoy Aki lumayo ka nga dyan! Baka bawal sa buntis ang amoy ng chemical na galing sa bomba!" Malakas na sigaw ni Alex habang patakbo na papalapit sa amin. Kasunod naman niya si Sir Cedrick at yung principal.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon