Kabanata 19

14K 213 66
                                    

R-18 (😭)

"Hi. . ."

Agad akong napalingon sa pintuan kung saan pumasok si Captain na may dala-dala pang tray na may laman na mga pagkain. Nakangiti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay hawak-hawak ang kumot na tanging nag tatakip sa katawan kong hubad.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya tsaka umupo. Nilingon ko din ang bintana ng kwarto kung saan kitang-kita ko ang maliwanag na sikat ng araw.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"1:47 PM" Sagot niya at umupo sa harap ko. Nilapag niya muna ang tray sa gilid bago inabot sa akin ang T-shirt niya, "Bihis ka muna." Aniya.

Agad na namula ang pisngi ko ng sabihin niya iyon. Halo-halo ang emosyon ko ngayon dahil sa nangyari kagabi! Anong gagawin ko? Magpapanggap ba ako na wala lang iyon sa akin? Hindi kaya isipin niya na sanay na sanay ako sa mga ganun kaya di ako affected? 

"Nakakahiya naman. . ." Hindi ko na napigilan sabihin iyon.

Napayuko ako at napatakip ng mukha gamit ang dalawa kong palad. Para namang gusto ko na lang magpalamon sa kama na inuupuan ko nang marinig ko siyang natawa sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sa akin tsaka hinawakan ang mga kamay ko para tanggalin iyon sa mukha ko.

"C'mon, you need to eat na. Wala ka pang breakfast oh." He's trying not to laugh while saying those words.

Nang ibaba ko ang kamay ko ay tiningnan ko siya ng masama. "Enjoy na enjoy ka ah? Gusto mo sapakin kita ha?"

"Just kidding. . . Come here," hinila niya ako palapit sa kanya. Kinuha niya din ang Tshirt na binigay niya sa akin kanina at akmang isusuot iyon sa akin. Nang ilayo ko ang ulo ko ay tinaasan niya ako ng kilay. "Ayaw mo mag damit? Well, it's okay with me. Nakita ko na rin--"

"Akin na nga!" Hinablot ko ang damit at mabilis na isinuot iyon.

Sinilip ko ang pang ibaba ko dahil nakaramdam ako ng lamig banda doon. Nang makitang wala akong suot kahit underwear ay hinanap ko agad sa sahig ang panty ko kaya maging si Captain ay napatingin din kung saan ako nakatingin.

"What are you looking for?" Panay din ang tingin niya sa sahig kahit hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap ko.

"My underwear! I need my underwear! Saan mo ba kasi hinagis 'yon? Pwede mo naman kasi ilagay sa gilid hinagis mo pa talaga!" Naiinis na sabi ko.

Natawa na naman siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kasalanan mo lahat ng 'to!" Para na akong maiiyak sa kahihiyan.

Napailing siyang tumayo at nag lakad papunta sa cabinet niya. Kinuhaan niya ako ng short at underwear doon at ibinigay sa akin. "Let me put this to you. . ." Tumayo siya sa harap ko at talagang handa na siyang isuot iyon sa akin.

"Kaya ko!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako, "I know. Ako ang nag hubad sayo kagabi kaya ako ang mag dadamit sayo ngayon." Talagang pinipilit niya akong sumunod sa kanya.

"Ayoko. Ako na! Kaya ko!" Sinubukan kong hablutin ang short at panty ko pero inilayo niya iyon sa akin. "Captain naman!"

Sumeryoso niyang tumingin sa akin. "Isa. Makinig ka sa Captain mo." He tried to scared me with the tone of his voice.

"Huwag mo akong gamitan ng ranggo mo dahil hindi yan uubra sa akin. Tumalikod ka dahil ako ang mag bibihis sa sarili ko. . . Turn around!" Utos ko.

Tinitigan niya muna ako bago inabot sa akin ang short at panty ko. Napipilitan naman niya akong sinunod na parang nang hihinayang pa dahil hindi nasunod ang gusto niya. Nakangiti naman akong binihisan ang sarili ko dahil sa nakakatawang reaksiyon niya. Para kasi siyang bata na hindi pinayagan gumala sa mall.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon