Kabanata 44

10.8K 145 53
                                    

AKI

A/N: This chapter is the continuation of the prologue (Reporting for Duty) 

"Akala ko ba mahal niya pa ako? Bakit kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala?" Umiiyak na tanong ko kay Alex. 

Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ko. Kakaalis lang ni Captain ngayon at naiwan ako ditong umiiyak. Hawak-hawak ko pa ang singsing na binalik niya sa akin kanina lang. 

"Hindi na niya ako mahal. . ." Panay ang pag-iyak ko kay Alex. 

Hinagod niya ang likod ko para patahanin. "Sabi ko naman sayo kanina diba? Mahihirapan kang suyuin yun kasi nga galit 'yon sayo. After 4 years ito ang unang beses niyong nag kita. Intindihin mo na lang muna si Captain, Aki." 

"Bakit kailangan niya ibalik 'tong singsing sa akin? Para ano? Para konsensyahin ako? Para mas lalo akong maguilty sa pag-iwan ko sa kanya?"

"Hindi naman siguro. . . Baka gusto niya lang ibalik sayo kasi diba sa'yo naman talaga—"

"Ang sabihin mo gusto niya lang talagang mag dusa ako sa ginawa ko sa kanya! Gusto niya ipaalala sa akin lahat kaya niya 'to ginagawa!" Tumayo ako at nag punas ng luha. "Ayaw ko nito. Ibalik mo 'yan sa kanya." Kinuha ko ang isa niyang kamay at pinatong doon ang singsing na nakalagay pa sa box. 

"Pero Aki—"

"Ruiz!" 

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Agad akong nag punas ng luha ko at tumayo ng maayos nang makita si General Orlando ang tumawag sa akin. 

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong niya nang makita ang mugto kong mata. 

Imbes na sagutin siya ay mas lalo lang ako naiyak! 

"Umiyak po dahil kay Captain." Si Alex na ang sumagot para sa akin.

Pareho silang natigilan at pinagmasdan lang akong umiiyak sa harap nila. Mayamaya ay may inabot na folder sa akin si General kaya kahit na umiiyak ako ay tinanggap ko ito. 

"Papirmahan mo yan kay Vendalle." Aniya. 

Nanlaki ang mata ko dahil don. Natigilan ako sa pag-iyak at naguguluhan na tumingin sa kanya. "Bakit po ako?" 

"Ikaw lang kasi ang walang ginagawa dito. Kailangan ko yan in 3 hours. Kung aalis ka na ngayon makakabalik ka din agad dito." Aniya.

"Pero bakit hindi mo na lang po 'to pinapirmahan kanina?" 

Saglit siyang natigilan at biglang natawa, "Oo nga no? Bakit kaya hindi ko naisip yon?" Kumamot pa siya sa ulo niya. "Matanda na kasi ako, Akesha. Intindihin mo na lang." 

"Pero ninong—"

"Gusto ko ikaw mismo ang pumunta sa kanya at papirmahan yan. Kahit matagalan ka sa pagbalik dito ayos lang sa akin." Nakangiti niyang sabi at naglakad na palayo sa amin. 

Nagkatinginan kami ni Alex dahil sa sinabi niya. Mayamaya naman ay tumawa siya ng malakas kaya napa-kunot ako ng noo sa kanya. 

"Iba talaga pag tadhana na ang kumikilos. Kakaiba!" Naroon ang pang-aasar sa tinig niya. 

Parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak dito dahil sa utos sa akin. Andito na siya kanina bakit hindi pa niya pinapirmahan 'to?! Pinagtr-tripan ba nila ako?! 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon