AKI
Isang malakas na sampal sa kaliwa kong pisngi ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa kwarto kung saan naka confine si Akiro.
"Ma..." nabasag ang boses ko.
"Ang kapal ng mukha mo para mag pakita dito!" She slapped me again on the other side of my face.
"Tita Ali!" Lumapit agad sa amin si Alex. "Tita please..." nagmamaka-awang aniya kay mama.
Hinawakan niya sa kamay si mama at nilayo ito sa akin. Dinala niya si mama sa kabilang side kung saan naroon sila Sir Salazar at General Orlando. Sa likod ko naman naroon si Captain at Lieutenant General Hernandez.
"Umalis ka na dito, Akesha!" Sigaw ni mama na may masamang tingin sa akin.
Sinalubong ko ang tingin niya. Galit na galit ang mga mata niya. Nanginginig na rin ang kamay niya dahil sa taas ng emosyon niya ngayon.
Malakas niyang tinanggal ang kamay ni Alex na pumipigil sa kanya tsaka lumapit sa na naman sa akin. Malakas niya akong hinila sa braso kong may sugat at lumapit sa hinihigaan ni Akiro.
"Nakikita mo 'to? This is all because of you, Akesha! Your brother is suffering because of you!" She let go of me to point her finger on my face. "Ipagdasal mo na walang mangyaring masama sa kapatid mo, dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo pag may nangyaring masama kay Akiro."
Umiiyak kong hinawakan ang kamay niya. "M-Ma, I'm sorry po-"
Malakas niyang tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"I'm sorry? Anong magagawa ng sorry mo?! Paano kung hindi agad nakita si Akiro? Paano kung patay na siya nung maabutan nila Alex sa pesteng bodega na yon? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na 'wag ka na lalapit kay Akiro? Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha?! Bakit ba peste ka sa pamilya ko?!" Galit na galit na sigaw niya bago ako malakas na sinampal na naman ng dalawang beses na magkasunod.
"Tita!" Umiiyak na lumapit sa akin si Alex para ilayo sa harap ni mama. "Huwag mo na po saktan si Aki..."
"Ali ano ba? Tigilan mo 'yang anak mo. Walang kasalanan si Akesha dito! Tumigil kana." Sumingit na si General Orlando.
Nilapit ako ni Alex kay Captain. "Please, Captain, paki layo na po si Aki dito." Aniya.
"Sige na, Vendalle. Si Salazar at Medina na lang ang isasama ko sa meeting mamaya para may mag report sa'yo. Ilayo mo na muna si Ruiz dito." Ani lieutenant General Hernandez sa kanya.
Walang salita niya akong hinila palabas ng kwartong iyon. Parang wala naman ako sa sariling nakasunod lang sa kanya. Sobrang sakit. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa puso dahil sa mga nangyari.
Natulala na lang ako sa magkahawak naming kamay. Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang tinatahak namin ang mahabang koridor.
Mayamaya huminto kami. Nanatiling sa baba ang tingin ko habang panay pa rin ang tulo ng mga luha ko.
"Akesha..."
"Kasalanan ko 'to..." Napapahikbing sambit ko.
Wala akong narinig na salita mula kay Captain. Hinila niya lang ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya.
"A-Ayoko na dito, Captain." Mahinang aniko at humiwalay sa pagkakayakap niya.
"Ipagamot muna natin 'yan dito." Tinuro niya ang braso kong nagdudugo na pala ngayon. Tumango lang ako.
Pinunasan niya muna ang luha ko bago ako hinawakan sa kamay at dinala sa ER.
"Nurse, pakigamot naman yung braso niya." Wika niya tsaka ako inalalayan umupo sa isang bakanteng hospital bed. "You need to take off your jacket."
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...