Kabanata 13

14.2K 213 60
                                    

AKI

"We're here..."

Umayos agad ako ng upo bago tinanggal ang seatbelt ko. Nauna siyang bumaba ng sasakyan kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto ito sa harap ng pintuan kung saan ako nakaupo. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Let me carry your things, Akesha..." inagaw niya sa akin ang hawak kong military bag pero inagaw ko ulit iyon sa kanya nang makababa ako sa sasakyan.

"Kaya ko." Aniko sa kanya bago tumalikod para kunin ang isa ko pang bag. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin hanggang sa muli na naman akong humarap sa kanya. "Mauna ka na po. Susunod ako sa'yo."

Walang imik siyang naglakad papasok sa lobby ng condo. Binati kami ng gwardya na nakabantay roon. Agaw atensyon din ang suot naming dalawa sa mga tao na nasa lobby dahil sa haba ng mga baril na nakasabit sa katawan naming dalawa. Mabuti na lang talaga nakauniporme kami kaya hindi kami mukang mga kriminal.

Pinauna niya akong pumasok sa loob ng elevator kaya sumunod na lang ako sa gusto niya. Pinindot niya ang 7th floor bago nilapag ang dala niyang military bag.

Buntong hininga ko namang nilapag ang gamit ko sa gilid at wala sa sariling napatingin sa pintuang salamin. Tumaas ang kilay ko nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin mula sa repleksyon namin sa salamin.

"Yes?"

Hindi siya sumagot. Nag-iwas lang siya ng tingin kaya ganun na lang din ang ginawa ko. Mayamaya bumukas na ang pinto ng elevator sa palapag kung nasaan ang unit niya.

Kukunin ko na sana ulit ang gamit ko pero naunahan niya na akong buhatin ang military bags ko at nanguna na maglakad.

Hindi na lang ako umangal. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa huminto ito sa unit 0430.

"123095," sabi niya habang nilalagay ang password ng pinto ng unit niya.

"Bakit mo naman sinasabi sa akin?"

"You're living with me. Tama lang naman siguro na alam mo ang password ng pinto ko 'di ba?" Masungit niyang sagot tsaka tuluyang binuksan ang pintuan.

Napabuntong hininga ako. Hinayaan ko na lang siyang maunang pumasok sa loob bago sumunod. Pagpasok ko unang lumapag ang mata ko sa kusina na nasa left side ng unit niya.  Sa right side naman naroon ang living room at maliit na balcony.

May tatlong pinto itong unit. Dalawa siguro dito kwarto at ang isa naman ang bathroom. Maaliwalas at hindi halatang lalaki ang may-ari dahil sa linis at gamit dito.

The wall is colored white with a touch of gray. His couch, tiles, and cabinets are also gray. Halos karamihan sa gamit niya dito ay naglalaro lang sa kulay puti, itim at gray.

"Habang nandito tayo ikaw na muna ang matutulog sa kwarto ko tapos doon naman ako sa office. Pinaayos ko na rin pala yung cabinet na paglalagyan ng gamit mo..." Hinarap niya ako pagkatapos niyang magsalita. "I'll show you the room..." hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinila papasok sa kwartong tinutukoy niya.

Pagpasok namin sa loob inalis ko agad ang kamay niya bago napipilitang ngumiti.

"Thank you, Captain. Aayusin ko na muna ang mga gamit ko."

He looked at me with his confused reaction. "Are we okay, Akesha?"

Agad naman akong tumango. "Oo naman po."

"May nagawa ba akong mali?"

"W-Wala..." umiiling kong sagot at umiwas ng tingin.

Ilang segundo pa siyang natahimik bago nagsalita ulit.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon