AKI
Nagising ako bigla dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Napanganga ako nang habulin ko ang paghinga ko mula sa lalim ng pag kakatulog. Napansin ko na lang naka-upo ako ngayon sa isang bakal na upuan dito sa isang napakalaking bodega.
"Gumising ka na po, Mahal na reyna." Ang boses na iyon ay nag mula sa taong sana nilamon na lang ng lupa kanina pa.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Nang mapansin kong nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ko ganun din ang mga paa ko ay nagpupumiglas ako.
"Tangina pakawalan niyo ako!" Sigaw ko kay Pablo.
Ngumisi siya sa akin at umupo sa harap ko para malebelan ang tingin ko, "Shhh!" nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Huwag ka nga maingay, Ruiz. Parating na si Master Hunter kaya 'wag ka na mainip." Muli siyang tumayo ng nakapamulsa na.
Tumalikod siya at naglakad na palayo sa akin. "Maganda ka pala lalo sa malapitan. Kung hindi lang tayo sa ganitong paraan nag.kasalubong, baka pinakasalan na kita." Mayamaya ay aniya.
"Tang-ina ka!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Di man lang kilabutan sa mga sinabi niya eh!
Naiwan ang tatlo niyang tauhan dito sa loob kasama ko. Malayo ang pwesto nila pero kung mag tangka man akong tumakas mahuhuli at mahuhuli pa rin nila ako.
Sana ay nahulaan ni Captain kung bakit ako pumayag na sumama sa kanila. Ito lang ang paraan para matunton namin ang pinagtataguan nila. Sana naman ngayon ay gumagawa na sila ng paraan para mailigtas ako.
Ang problema lang ay nahulog ang cellphone ko sa van kanina at hindi ako sigurado kung narito pa ba 'yon o nadispatsya na nila ang sasakyan kasama ang cellphone ko na naka connect sa cellphone ni Captain. 'Yon na lang ang tanging pag-asa para malocate nila kung nasaan ako.
Agad akong umayos ng upo nang makarinig ako ng mga yapak mula sa labas papasok dito sa loob. Nandito na naman ang tarantado. Pumasok si Pablo kasama ang isang foreigner.
"She's here, Master." Tinuro niya ako sa kasama niya.
Si Hunter. . .
Matangkad ito at maputi. Malaki ang katawan niya at ang mga niya at nanlilisik na agad sa akin. Yung awra at mukha niya halatang-halata na kriminal.
Huminto sila sa harap ko at tinitigan ako ng masama. Uma-kibit balikat si Hunter at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
"She's the one who killed Alonzo?" tanong niya kay Pablo.
"Yes, Master." Sagot naman ni Pablo.
Marahan itong lumapit sa akin at inangat ang baba ko. "Where's my money?" Kalmadong tanong niya.
Inilihis ko ang mukha ko para mabitawan niya ang pag kakahawak sa baba ko, "I don't know where your money is! Let me go!"
"Liar!" Sigaw niya at malakas akong sinampal sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang lakas nun ay para akong nabingi. Naramdaman ko na lang na may tumulong dugo sa gilid ng labi ko.
"You're a fucking liar! Where did you put my money?!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.
"I don't know what you're talking about! Hindi ko alam kung nasaan ang pera mo! Wala 'yon sa akin naiintindihan mo—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang muli na naman niya akong sinampal sa kabilang pisngi. "Vous êtes un soldat menteur !où est mon argent?!" Galit na galit na sigaw niya sa akin.
"Tang-ina ka!" Sigaw ko din sa kanya.
"Are you not afraid to die, huh?" Talagang nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Inirapan ko siya at nag-iwas ng tingin. "Fuck you, woman. Give me my money or else, Je vais vous tuer." Ma-awtoridad niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
AcţiuneTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...