Kabanata 4

18.3K 292 65
                                    

AKI

"It's a goddamn death threat, Ruiz!" 

Galit na galit na sabi ni Lieutenant General sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo nasigawan niya na ako.

"I apologize, sir." Nakayukong sabi ko.

"We already working on it, sir. I already told my soldiers what to do. I already talked to her na rin naman po." Sumingit si Captain.

"She's not thinking, Vendalle! She even just threw it away and ignored it!"

Nanatili akong nakayuko dahil sa kahihiyan. Ilang araw pa lang ako dito napagalitan na ako dahil sa kapabayaan ko.

"Hindi mo ba iniisip na hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak pag tinuloy ni Hunter ang banta niya sa'yo? Lahat ng sundalo na narito pwedeng madamay kung ipagpapatuloy mo 'yang ugali mo!" Napahampas pa siya sa lamesa bago tumayo. "Tell me your reason, Ruiz." 

"Sir, actually, iniisip ko lang po na baka may nanti-trip lang po talaga sa akin. Bukod pa po doon isang beses pa lang-"

"Ilang beses mo ba gusto makatanggap ng death threat bago ka gumawa ng aksiyon, Ruiz?" Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napayuko.

"Hunter is already here in our country. Team nila Colonel Andres ang nagbigay sa akin ng information kung saan at kailan siya nakita dito sa bansa. Hindi lang ikaw ang pinadalhan ng sulat na yan dahil maging ang mga sundalo ni Andres na humawak sa kaso ni Alonzo ay nakatanggap ng parehong-pareho na sulat na natanggap mo." Seryosong sabi niya sa amin. 

May inabot na folder sa kanya ang kasama niyang sundalo. Dalawang kulay itim na folder iyon na may magkaibang kapal ng papel sa loob. Una niyang inabot ang manipis na folder sa akin bago inabot ang makapal kay Captain. 

Binuksan ko iyon para basahin.

"14.5 million dollars?" Nagugulat na tanong ni Captain nang mag-umpisa itong magbasa sa nilalaman ng folder. "Ganito kalaking pera ang tinago ni Alonzo bago siya namatay?"

"Yes. And that is the reason why he's hunting you, Ruiz." Aniya at bumaling ng tingin sa akin.

Kumunot naman agad ang noo ko. 

"Ano naman ang kinalaman ko sa pera niya  hindi ko naman po iyon kinuha. Anong gagawin ko do'n?" Wala sa sarili kong nasambit. 

"Akesha!" Saway agad sa akin ni Captain. 

Napapikit ako at yumuko ulit. "I- I apologize, Captain, Sir Hernandez." 

"Pinatay mo si Alonzo ng hindi man lang nalalaman ni Hunter kung saan itinago ni Alonzo ang mga pera niya. Iniisip niya na baka nasa kamay ng mga sundalo ang pera na tinago ni Alonzo." Ani Sir Hernandez. 

Bakit naman parang kasalanan ko? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Hindi ko naman ginusto mapatay si Alonzo nung araw na 'yon. Nanlaban siya sa amin kaya napilitan akong barilin siya.

"Dahil si Captain ang hahawak sa kaso sa pag huli kay Hunter at ikaw naman Ruiz ang target ni Hunter, naisip ko na kayong dalawa na ang hahawak sa kasong 'to. This mission is your first task together as a partner. I'll give you a few months to work in this case. " Aniya bago kinuha ang kanyang military cap at inayos ang kanyang pustura. 

Nagkatinginan kami ni Captain pero sandali lang. Tumingin na kami pareho kay Sir Hernandez.

"Siguraduhin niyong matatapos niyo ng maayos ang misyon na 'to." Maawtoridad niyang sabi.

Sabay kaming umayos ng tayo ni Captain at sumaludo sa kanya. 

"Sir, yes Sir!"   

Tuluyan na umalis si Sir Hernandez dito sa meeting area kasama ang dalawang sundalo. Nagkatinginan ulit kami ni Captain pero ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Binasa ko na lang ang folder na hawak ko.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon