Kabanata 8

15.9K 249 66
                                    

AKI

"Natapos rin."

Pagod na pagod kong inayos ang mga folder na katatapos ko lang basahin simula pa kaninang umaga.

Napahilot ako sa sintido ko nang makaramdam ng hilo. Simula kaninang tanghali hindi pa pala ako kumain. Ang naalala ko isang bread lang ang kinain ko kaninang umaga.

Minamasahe ko ang batok ko habang naglalakad palapit kay Captain. Tulog na tulog pa rin ito ngayon. Hindi gaya kanina mas naging maayos na ang kulay ng labi niya.

Napangiti ako habang nakatitig sa mukha niya. He's sleeping like a baby. Hindi halatang namimilipit siya sa sakit kanina dahil sa himbing ng tulog niya.

"Baka matunaw ako niyan, Akesha." He suddenly opened his eyes and directly met mine.

Sa gulat ko napaatras ako at napahawak sa dibdib.

"What are you an ice cream para matunaw?" Taas kilay kong sabi.

He smiled. "So, this is how it feels like to wake up and you're the first person to see. I love it."

Napakunot ako ng noo. "Tumigil ka nga diyan." Saway ko. "Tumayo ka at sabay na tayong kumain sa canteen." Inalok ko ang isa kong kamay  sa kanya para maalalayan ko siya sa pag tayo. Imbes na tanggapin ang kamay ko mas lalo lang itong ngumiti sa akin.

"What?"

"Nothing." Sagot niya bago inabot ang kamay ko at dahan-dahan na tumayo.

I put his hand on my shoulder to balance his weight so he can walk properly. I wrapped my other hand around his waist so I could support him better.

The height difference is now clearly seen. Hanggang leeg lang pala ako nito.

He looked down at me. "I like the view here." 

My face heated. Umiwas agad ako ng tingin sa para itago ang pamumula ng mukha ko

"Epal." Nasabi ko na lang na ikinatawa niya.

Pagpasok namin sa loob ng canteen may iilang sundalo ang naroon. Yung iba kumakain at yung iba nagpapahinga lang.

"Ano sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"Rice and chicken?" Patanong niyang sagot.

"Ba't di ka sure?" Nangunot ang noo ko. "Kahit anong luto ng chicken okay lang?"

Tumango siya. "Yes. Thank you."

Agad akong pumunta sa counter para tignan ang mga niluto nila para sa hapunan. Dalawang putahe lang ang meron, tinola at chopsuey. Yun daw kasi ang request ng mga sundalo kaya iyon ang niluto nila.

"Sige 'yan na lang. Tig isang order." Sabi ko sa tindero. Inabot ko muna ang bayad bago tumingin sa gawi ni Captain.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita si Tanya na kausap na ngayon ni Captain. She really looks worried. May hawak-hawak pa nga siya sa noo ni Captain at inangat ang suot nitong T-shirt para tingnan ang sugat nito.

"Ma'am, ako na ang po ang maghahatid nito sa mesa niyo." Kinalabit pa ako nung lalaki dahil hindi ko siya agad nilingon.

Nauna akong naglakad sa kanya at dumeretso sa mismong gitna nilang dalawa. Agad na lumingon si Tanya sa akin at umatras nang makita niya ako sa gilid niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Umalis ka nga diyan ilalagay yung pagkain."

"Uh, s-sorry po," natatarantang sabi niya bago umatras.

Nilingon ko si Captain na nakatingin Tanya. Nagsalubong ulit ang kilay kong tumikhim dahilan para tumingin ito sa akin. Nang magtama ang tingin naming dalawa inirapan ko siya. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon