Kabanata 14

14.6K 214 60
                                    

AKI

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Captain nang makita ko siyang inihahanda ang mga baril at iba pang gamit namin. "May misyon ba tayo ngayon?"

Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang abala sa pag-aayos ng mga gamit at hindi man lang ako nilingon kahit isang beses.

"Captain, may gagawin ba tayo?" Tanong ko ulit para makuha ko ang atensyon niya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. "Captain..."

Pumasok nalang muna ako sa kwarto para ilapag sa kama ang towel na dala ko. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka lumabas ulit. Dumeretso ako sa harap ni Captain pero medyo malayo sa kanya.

Hinanap ko ang number ni Sir Hernandez sa contacts ko tsaka ito tinawagan.  Sinadya ko rin iyon ilagay sa loud speaker para marinig niya.

"Magandang gabi, sir Hernandez..." Bati ko agad nang sagutin niya iyon.

Hindi nga ako nagkamali dahil agad na nag-angat ng tingin sa akin si Captain na may nagtatakang reaksyon.

["Yes, What's wrong?"] Tanong naman ni Sir Hernandez mula sa kabilang linya.

Sinalubong ko ang tingin ni Captain tsaka tinaasan ng kilay.

"I know it's kind of late, sir, but I would like to request for a new partner for Mr. Vendalle." Aniko.

His brows snapped together.

"What are you doing?" Nagtataka niyang tanong. Siya naman ang hindi ko pinansin.

["What do you mean, Ruiz? I thought you were okay about the plans? What happened?"]

"Well, sir,  ayaw na po ata akong maging partner ni Captain. Pwede mo po ba papuntahin dito si Tanya-"

"Okay, stop now," he snatched my phone.

Sa gulat ko napaatras ako ng ilang beses hanggang sa tumama ang binti ko sa sofa dahilan para mawalan ako ng balanse.

Nahawakan niya agad ako sa beywang at hinila palapit sa katawan niya para hindi ako tuluyang matumba.

["Ruiz, what is happening?"] Boses iyon ni Sir Hernandez mula sa cellphone ko na hawak-hawak na ni Captain ngayon.

Sinubukan ko iyong hablutin sa kanya pero nilalayo niya ito sa akin. Sinusubukan ko rin umalis sa pagkakahawak niya sa beywang ko pero mas hinigpitan niya pa iyon at hinigit ako sa katawan niya.

"Bitawan mo ako!" Pinandilatan ko siya ng mata.

He turned off the loudspeaker and put it to his ear.

"It's me, sir... I apologize for what happened. We're actually doing great here, sir. Huwag mo na po siyang pansin. Yes... No need we're okay. Yes, sir."

Napakunot ako ng noo habang pinapakinggan ko siyang kausapin si sir Hernandez. Bigla niyang sinalubong ang tingin ko at ngumiti.

"She just wants my attention that's why..."

Nalaglag ang panga ko. Hinampas ko ng malakas ang dibdib niya pero tinawanan niya lang ako.

"Kapal mo, ah?" Naiinis kong bulong sa kanya.

"He wants to talk to you..." Aniya at nilagay ang cellphone sa tainga ko. "Be a good girl," he whispered on the other side of my ear that made my eyes widened.

"Ang kapal-

["Sinong makapal, Ruiz?] Narinig kong sabi ni Sir Hernandez.

"Sir, hindi po ikaw..." Nahihiya kong sambit.

["Magpakabait ka sa partner mo, Ruiz. Asikasuhin niyo ng maayos ang misyon niyo dahil ayaw kong mapunta lang sa wala itong kaso na 'to. He's a good man. He's good for you... Goodluck!"] Aniya at pinatay na ang tawag.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon