AKI
"Akesha..."
Lumingon agad ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Captain. Nakatayo lang siya habang hawak ang susi ng kanyang sasakyan.
"Captain!" I happily said and ran to him.
"Why aren't you answering my calls, Akesha?" Tanong niya nang makalapit ako.
Hindi ako sumagot. Napasulyap ako sa clinic kaya maging siya ay tumingin doon. Nakita kong binasa niya ang pangalan ng clinic bago muling tumingin sa akin.
"Why are you here?" Maingat niyang tanong.
Hindi ulit ako sumagot. Huminga siya ng malalalim tsaka tumango.
"Okay, let's go," hinawakan niya ako sa palapulsuhan bago hinila paalis. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto bago sumakay sa driving seat. "Kumain ka na ba?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"We'll eat lunch before heading to the camp. Fix your seatbelt." Seryosong sabi niya.
Sumunod naman ako agad. Pagkatapos kong gawin 'yon tumingin ulit ako sa kanya.
"Sorry, Captain. Hindi na mauulit." Mahinang sambit ko.
He didn't respond. Nakatingin lang siya sa daan habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi man lang niya nagawang lumingon o sumagot, kahit tango o iling man lang hindi rin.
Pareho kaming tahimik hanggang sa marating namin ang isang home style restaurant malapit lang din dito sa clinic. Siya ang nauna sa akin maglakad habang ako tahimik lang na nakasunod sa kanya.
"Good afternoon, ma'am, sir! Welcome to K-zone resto!" Bati sa amin nitong receptionist. "Do you have a reservations, Sir?"
"Yes. Under King Vendalle's name." Sagot naman ni Captain.
Agad naman tiningnan nung babae ang logbook nila kung nandoon nga ang pangalan ni Captain.
"Mr. and Mrs. Vandalle for Table 5." Basa niya habang nakatingin sa papel.
Mrs? "Hindi niya ako-"
"Okay, thank you." pagpuputol ni Captain sa sinasabi ko at hinila na ako papasok sa loob.
"Captain," mahinang tawag ko pero di niya ako pinansin. "Ang sungit na naman..." nakangusong bulong ko.
"Order whatever you want." Aniya matapos akong tulungan sa upuan ko. Umupo siya sa harap ko tsaka inabot ang menu.
Unang page pa lang ng menu meron agad akong nagustuhan. Hindi na ako tumingin pa sa ibang page dahil ayoko na magbago ang isip ko.
"Sinigang na hipon lang ang gusto ko." I told him.
Sinara niya ang hawak niyang menu bago tumawag ng waiter. Agad naman 'yon lumapit sa amin dala ang order slip at ballpen.
"What's your order, sir, ma'am?"
"Set of sinigang na hipon and set of braise beef." He looked at me. "Drinks? Desserts?"
"Iced tea lang. I don't eat sweets."
Tumingin na ulit siya sa waiter. "One pitcher of iced tea and two halo-halo."
Nangunot ang noo ko. "Masyado naman atang madami 'yon, Captain. Two glasses of iced tea lang, okay na 'yon."
"Huwag mo siyang pakinggan. Sige, okay na 'yan." Seryosong aniya sa waiter.
Napairap tuloy ako sa kanya. "Hindi nga natin 'yon mauubos, eh."
"Stop rolling your eyes on me, Ruiz. May kasalanan ka pa sa akin." Seryosong wika niya.
"Hindi naman na 'yon mauulit, eh."
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...