AKI
"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?"
Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak.
"Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?"
"Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?"
After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida.
"N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill galit na galit ka sa akin, no? Siguro iniisip mo na ang tanga-tanga ko para suwayin ang salita ni mama para sa isang lalaki. S-Siguro kinamumuhian mo ako dahil sa dami ng pagkakataon na dalawin kita dito hindi ko man lang nagawa. . . Natatakot kasi ako, Kuya. Nakokonsensya ako. Iniisip ko na sana hindi na lang ako naging pasaway para hanggang ngayon kasama kita at maayos ang pamilya natin. Hindi ko kayang makita kang nasa ilalim ng lupa dahil sa akin, Kuya Akhill. Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa'yo. Hindi mo natuloy ang pangarap mo ng dahil sa akin. Hindi ka naging sundalo gaya ni papa at nasira ko ang pamilya natin dahil sa desisyon ko. Patawarin mo ako, Kuya."
"P-Papa. . . I'm sorry. I'm sorry if I didn't protect our family. I'm sorry kung naging pasaway ako kay Mama. I'm sorry kung ako yung naging dahilan kung bakit hindi natuloy yung pangarap mo para kay kuya. Sorry po. Takot na takot po ako nung mga panahon na 'yon, Papa. Takot na takot po ako."
Umiiyak akong nag lipat ng tingin sa puntod ni Mama. "M-Ma. . . Bakit mo naman ako iniwan bigla? Bakit hindi mo man lang ako kinausap para magka-ayos tayo? Hindi mo man lang ako hinintay. Iniwan mo ako. Hindi mo man lang tinanggap yung sorry ko sa'yo. Hindi mo man lang ako pinatawad! Bakit ba ganyan kayo?!"
"Si King nasa ospital pa rin hanggang ngayon. He's been comatose for 2 weeks. I can't even stand to look at him in his situation. Nasasaktan ako. Yung mga anak namin laging tinatanong sa akin kung kailan siya gigising. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung babalikan pa ba niya kami. . . I am so scared right now. Baka bigla na lang siyang kuhain sa akin. Nakikiusap ako sa inyo, paki sabi naman sa kanya na ibalik na niya sa akin si King. I only have him. I need him. We need him. I want to have a family with him. Paki sabi naman sa kanya na 'wag naman pati si Captain. Maawa naman siya sa akin."
I always questioned the Lord, why is he doing this to me? Galit na galit ba siya sa akin? Ayaw niya bang sumaya ako? Do I deserve this kind of pain? What is his purpose for doing this to me?!
"Mommy?!"
Agad akong nag punas ng luha nang marinig ko ang boses ni Akhin sa likod ko. Huminga ako ng nalalim at sinubukang ikalma ang sarili ko para hindi nila ako mahalatang umiyak.
"Mommy!" Si Keisha naman ang tumawag sa akin.
Nakangiti akong lumingon sa kanila. "Mga anak!" Lumuhod ako para salubungin sila ng yakap.
Magkahawak pa sila ng kamay habang patakbong lumapit sa akin. Rinig na rinig ko ang mga masayang hagikgik nila habang tumatakbo palapit.
"Hi Angels!" Masayang bati ko sa kanila nang tuluyan silang makalapit sa akin. Mahigpit ko silang niyakap at hinaplos ang mga likod nila. "How are you?" Tanong ko habang inayos ang mga buhok nilang nagulo dahil sa hangin.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...