AKI
"Alex?" Pabulong na tawag ko sa kanya.
Mahina ko siyang niyuyugyog habang binabanggit ko paulit-ulit ang pangalan niya. "Alex. . ." Sa huling tawag ko ay kinurot ko na ang pisngi niya
"Aray puta!" Bumalikwas siya ng bangon dahil sa ginawa ko. Tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya at napalingon sa mga kasamahan namin na natutulog na dito sa kwarto.
"Huwag ka nga maingay." Pabulong na sabi ko.
Naiinis niyang tinanggal ang kamay ko na nasa bibig niya at hinaplos ang pisngi niya. "Ano bang problema mo, Aki? Bakit ka nangungurot?" kunot noo niyang tanong.
"Nagugutom ako." Mahinang sagot ko.
Kahit madilim dito sa loob ng kwarto kitang-kita ko ang pag kunot ng noo niya sa akin. "Sira ba ulo mo?" Kinuha niya ang cellphone niya na nasa ilalim ng kanyang unan para tignan ang oras. "Tang-ina alas tres pa lang ng madaling araw! Nantr-trip ka ba?" Kahit na pabulong niya lang iyon sinabi ramdam na ramdam ko ang inis niya.
Napabuntong hininga akong umupo sa kama niya. "Eh nagugutom ako, eh. Gusto ko kumain ng lechon—"
"Lechon?! Tanga saan tayo hahanap ng lechon sa ganitong oras?" Pinanlakihan niya pa ako ng mata.
"Ewan ko sayo. . ." Napanguso ako.
"Lah?!" Napanganga siya sa sagot ko. "Lechon ngayong alas tres ng madaling araw? Sira ba ulo mo?"
"Eh sa yun ang gusto kong kainin bakit ka ba nangingialam?" Nagagalit na sabi ko.
Napatakip siya sa bibig niya at di makapaniwala na tumingin sa akin. "Hanep ka talagang buntis ka! Ako pa nangingialam matapos mo akong gisingin at idamay sa cravings mo? Umalis ka sa harap ko at naiinis ako sa--"
"Ayoko." Hinawi ko ang kamay niyang nagtataboy sa akin dito sa higaan niya. "Gusto ko din ng orange na maasim."
Padabog siyang napasipa sa kama niya at parang maiiyak na tumingin sa akin. "Aki saan naman tayo hahanap ng orange na maasim? Karamihan sa orange matatamis paano natin malalaman na maasim yon? Sana nag dalandan ka na lang." Kulang na lang lumuwa ang mata niya sa pag kakatingin niya sa akin.
"Ayoko ng dalandan. Orange gusto ko tsaka lechon."
Bayolente siyang napakamot sa ulo niya. "Pasalamat ka at buntis ka dahil kung nag kataon na hindi kanina pa kita na pektusan ng malakas, Aki!" Akma niya pa akong hahawakan ng may halong panggigigil pero pinigilan niya ang sarili niya at huminga ng malalim. "Grabe, lord pakalmahin mo ako ngayon parang-awa mo na."
"Bakit ba ako ang kinukulit mo? Puntahan mo yung bumuntis sayo at siya ang pestehin mo." Pagkatapos niya sabihin yon ay bumalik siya sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Matutulog ako at 'wag mo na akong guluhin please—"
"Samahan mo ako." Hinila ko ang kumot niya dahilan para lumingon siya sa akin.
Nag sign of the cross siya at naka-pikit na pinag-dikit ang mga palad niya. "Ama namin, sumasalangit ka. sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kahari-–"
"Makikita mo si Sir Cedrick pag sinamahan mo ako." Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya.
Agad siyang nagdilat matapos marinig ang sinabi ko. "Mabilis naman ako pumayag pag pinipilit ako, eh." Aniya at tumayo. "Tayo na bilis!" Hinila niya pa ako hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng kwarto.
"Bilis ah." Ngumiwi ako.
"Lord sorry po, alam ko naman po na maintindihan mo ako." Nag sign of the cross muna siya bago lumingon sa akin. "Baby Cedrick ko 'yon no! Gusto ko din siya makita." Aniya at nag patuloy na kami maglakad.
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...