kabanata 3

19.4K 301 86
                                    

AKI

"Attention!"

Lahat kami umayos ng formation nang sumigaw si Captain. Palapit na siya sa gawi namin kasama ang maraming sundalo na bagong pasok lang.

Pumuwesto ako sa harap kung saan katabi ko si Alex. Pumunta naman sa pinakaharap si Captain habang si Lieutenant Salazar naman ay tumayo sa tabi ko. Napalingon ako kay Alex na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Palit us pwesto," nakangiting bulong niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo bago nag-iwas ng tingin. Agad naman nakuha ni Captain ang atensyon ko nang mag simula siyang mag salita. Una niyang kinausap ang mga sundalong kararating lang. Marami siyang sinabi pero parang pumasok lang 'yon sa isang tainga ko at lumabas din sa kabilang tainga.

"Akesha, come here!" Biglang tawag niya sa akin.

Ramdam ko ang pag tingin sa aking ng karamihan dahil sa paraan ng pag tawag niya. Kahapon niya pa ako tinatawag ng Akesha. Akesha siya nang Akesha pwede naman kasing Ruiz. 

"Double time!" Nayayamot na aniya dahil hindi agad ako kumilos para lapitan siya.

Patakbo akong lumapit sa gawi niya at tumayo sa tabi niya.

"Sir?"

Tumingin muna siya sa akin bago naglakad palapit sa mga bagong sundalo. Nag simula siyang mag bilang at ihati ang mga iyon sa dalawang grupo bago bumalik sa tabi ko.

"The first group will be your new platoon. You will be their squad leader for the rest of your duties here in camp. I will be appointing Sergeant Vincent Soriano to be your Assistant squad leader. Wala siya dito dahil may misyon pa siyang tinatapos." Inabot niya sa akin ang isang portfolio. "Nandiyan lahat ng impormasyon tungkol sa kanila..."

"Thank you, Sir." Aniko matapos tanggapin ang inabot niya.

"Train them well."

"Yes, Sir."

"Medina!" Bumaling ang atensyon niya sa gawi nila Alex. "Come here," utos niya.

"Sir, yes sir!" Masiglang sabi ni Alex habang nakangiti na lumapit sa pwesto namin.
Nang makalapit ay tumayo siya sa gilid ni Captain kaya kaharap ko na siya ngayon. Kumindat siya at ngumiti. "Annyeong." She mouthed. Hindi na ako nag reak.

"You will be joining Lieutenant Salazar to train the second platoon. Salazar will be your squad leader and you will be the assistant squad leader." Seryosong aniya kay Alex.

Ipinuwesto niya ang kanyang mga kamay sa likod tsaka naglakad papunta ulit sa pinakaunahan.

"Discipline is the soul of an army. I want you all to be responsible and respectful. Obey orders, policies and regulations. Give your hundred percent effort in every mission that the commanders assign to you. Place the good of the unit above the needs of your own. Take pride in everything you do and respect the rank of others." May-awtoridad niyang sabi.

Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga sundalo na naroon. "Ayaw ko sa tanga at tamad na sundalo. Kung iniisip niyo na madali ang pinasok niyo nagkakamali kayong lahat. Kung binabalak niyo mag laro dito sa loob ng kampo ngayon pa lang umalis na kayo sa harapan ko."

Pagkasabi nun ni Captain napatingin ako sa platoon ko. Lahat naman sila seryosong nakikinig at halos mag mukang sinimentuhan ang katawan sa tikas ng tayo. Kung ganyan sila araw-araw wala kaming maging problema sa training.

"Our responsibility is to ensure the safety of our land and to maintain the peace and harmony of our country. You're not here to play, you are here ready to protect and die for our people and your own land."

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon