AKI
"Saan ka pupunta, Aki?" Hinawakan ako ni Kuya Akiro sa kamay at pilit na pinahaharap sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya tsaka pinunasan ang luha ko.
Humiwalay ako sa yakap niya at napayuko, "Pagod na akong umintindi kay Mama, Kuya." I'm crying so hard while saying those words.
"Tell me, what happened? Anong nangyari sa loob?" He's panicking habang panay ang punas niya sa mga luha ko.
"Muka naman siyang okay. Nagawa niya na nga akong itakwil ulit eh. . . Grabe! Ang hirap naman maging anak ni Mama. Sa bawat araw na lang na mag kikita kami wala siyang ibang ginawa kundi ipamukha sa akin ang kasalanan ko." Napa-upo ako at napahagulgol na sa iyak.
Tanging naririnig ko lang ay ang mga ingay galing sa iba't-ibang klase ng sasakyan dito sa labas ng ospital. Wala na akong pakialam kung may makakita at makarinig sa akin dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Umupo sa harapan ko si Kuya Akiro at pilit akong pinapatahan sa pag-iyak pero hindi ko magawa-gawa. Kusang lumalabas ang luha ko at hindi ko na iyon mapigilan.
"Masama ba akong tao, Kuya? Masama ba akong anak at kapatid sa inyo? Bakit kailangan buong buhay ko ang kapalit sa kasalanan na hindi ko naman sinasadya? Bakit?!"
Hindi siya naka-sagot sa sinabi ko. Tumayo ako at napa-hawak sa beywang. "Wala akong ibang ginawa sa buong buhay ko kundi ang intindihin ang nararamdaman niya pero paano naman ako? Paano naman yung nararamdaman ko? Nasasaktan din naman ako, Kuya. Yung sakit na nararamdaman niya, mas doble ang sakit na nararamdaman ko. Sa harap ko pinatay si Kuya Akhill! Sa harap ko mismo at kitang-kita ko kung paano siya nawalan ng buhay pero kung pag salitaan ako ni mama parang wala akong nararamdaman. Nasasaktan din naman ako pero bakit lagi niyang hinihiling na ako na lang sana ang namatay at hindi si Kuya at papa?!"
"Aki. . ." Binalot ng awa ang reaksyon ni Kuya Akiro para sa akin. Alam kong alam niya na wala naman siyang magagawa kundi ang damayan lang ako ngayon.
"Hindi ko ba deserve ang maging masaya?" I asked him.
Agad siyang umiling, "Of course not! You deserve to be happy, Aki. Alam ko lahat ng pinagdaanan mo kaya alam ko kung gaano mo ka deserve maging masaya. It's just that. . . Si Mama kasi gusto--"
"Gusto niya akong makitang miserable." Ako na ang tumapos sa sinasabi niya. " Ang gusto ko lang naman ay yung meron akong nanay na uuwian sa tuwing hindi ko na kinakaya. Yung meron akong nanay na mag pupunas ng luha ko kapag umiiyak ako sa sobrang sakit. Yung meron akong nanay na mag sasabi sa akin na 'kaya mo 'yan, anak.' sa tuwing gusto ko na sumuko. . . Pero bakit pinagkait pa 'yon sa akin? Mali ba na hilingin ko 'yon?" Halos hindi ko na mabigkas ng maayos ang mga salita ko dahil sa sobrang pag-iyak ko.
"I just want her forgiveness, Kuya. Bakit ang hirap-hirap kuhain nun?" Pinakatitigan ko siya sa mata, "Pag ba nawala ako papatawarin niya na ba ako?"
"What?! Hindi mo kailangan mawala, Aki! 'Wag ka nga magsalita ng mga ganyan. Maybe you should give her some time-"
"Tang-ina kulang pa ba yung binigay kong 9 years? Kulang pa ba 'yon para mapatawad niya ako? Hanggang kailan ba dapat, Kuya? Hanggang sa huling hininga ko ba? Sige! Putang-ina kung doon siya magiging masaya, sige! Pag bibigyan ko siya. She will never see me again. She will never hear anything from me again. If this is really what she wants, I'll grant her wishes." Huminga ako ng malalim bago nag punas ng luha.
Tumalikod ako at nag-angat ng tingin sa madilim na langit. 'Masaya ka bang panoodin akong nasasaktan? Papanoodin mo na lang ba akong nahihirapan? O gaya ka lang din ni mama na kinalimutan na din ako? '
BINABASA MO ANG
Duty of Love (Military Series 1) COMPLETED
ActionTragedy from Aki's past that leads to trauma and fear, Aki managed to become the soldier her mother wanted her to be. She put aside her own happiness just to pay for the traumatic incident that caused her to forget the feeling of having a happy fami...