Kabanata 41

10.2K 128 29
                                    

AKI

Dahan-dahan akong nag mulat ng mata nang nakaramdam ako ng pananakit sa ulo ko. Unang dumako ang paningin ko sa mataas na kisame na kulay puti. Dahan-dahan kong nilibot ang paningin ko sa lugar. Hindi ko pa maananigan ng maayos ang mga nandito dahil pakiramdam ko lumulutang ako at wala ako sa tamang huwisyo. 

"Finally, you're awake!" Boses iyon ng lalaki. 

Agad akong na pabalik sa aking huwisyo nang marealize na si Hunter iyon. Nag tangka akong tumayo mula sa pag kakahiga pero natigilan din nang makitang naka posas pala ang magkabilang kamay ko at mga paa sa bawat kanto ng higaan ko. 

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ko si Hunter na naka-upo habang nakangisi na nakatingin sa akin. 

"How's your sleep, Akesha?" Tanong niya tsaka tumayo. 

"Ano ba 'tong ginagawa mo?! P-Pakawalan mo ako!" Nag pupumiglas na sigaw ko. Pilit kong hinihila ang mga kamay kong nakatali hanggang sa ako na lang din ang nasasaktan. "Let me go!" Sigaw ko sa kanya. 

Matunog siyang tumawa habang nag lalakad palapit sa akin. "What a beautiful lady. . ." kalmado niyang sabi habang pinagmamasdan ang mukha hanggang sa bumaba na sa katawan ko. 

Maging ako ay nag baba sa sarili kong katawan. Ganun na lang ang takot na naramdaman ko nang makitang hindi na ako nakasuot ng uniporme, nakasuot ako ng pulang mahabang dress at gold sandals. 

"W-What did you do to me?!" Hindi ko na maitago ang takot ko sa kanya. "Let me go!" 

Nakakaloko siyang ngumiti sa akin at marahan na hinaplos ang mukha ko pero pilit ko iyong inilalayo sa kanya. "Oops. . ." agrisibo niya akong hinawakan sa baba para ipirmi ang mukha ko. "I will never let you go, Darling." Naroon pa rin ang kalmado sa boses niya  

Nag-umpisang tumulo ang luha ko nang titigan niya ako habang nakangiti na para bang nasisiyahan sa nakikita niya. Wala akong ibang nararamdamang iba ngayon kundi ang takot. 

Muli kong nilibot ang mata ko at doon nakita ko si Alex na nakahiga din gaya sa hinihigaan ko. Naka posas din ang kanyang mga kamay at paa, maging siya ay nakasuot na rin ng dress na blue ang kulay habang ang sandals naman niya ay kulay puti. Wala rin siyang malay hanggang ngayon. 

"Alex?!" Sigaw ko para gisingin siya. "Alex gisi—"

"Shut up!" Tinakpan ni Hunter ang bibig ko. "If you will not shut your mouth, I'm going to kill her!" Nagbabantang sabi niya. 

Natigilan ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng mga putukan sa labas. Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Alam kong narito pa rin kami sa area kung nasaan kami kanina bago nawalan ng malay. Nandito pa rin kami! 

"Ohh, those soldiers are still pestering me." Tinanggal niya ang kamay sa bibig ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko na lang ang hininga niya sa tainga ko kaya napapikit na lang ako sa kaba. "Especially your fiance. . . Do you think i shall kill him?" 

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko, "N-No!" Napuno ng takot ang buong sistema ko. "Please no!" 

Malakas siyang tumawa at umayos ng tayo, "What a lovely girl. . . But it's late, Darling. Maybe now he's dead. Or so, fell into the abyss, step on a bomb or get shot by my men. That man is really annoying as fuck."

Wala akong ibang nagawa kundi ang pakinggang siya habang umiiyak. Mahinang-mahina pa ang katawan ko dahil sa tinurok nila sa akin kanina. Hindi pa nag pr-proseso ng maayos ang utak ko at sumasakit pa ito ng sobra. 

"This red color really suits you." Mayamaya ay aniya. "I remember you wearing a red dress at the masquerade party back then. You are so sexy that time, Darling. You legs. . ." huminto siya sa pagsasalita nang mahina niyang hinaplos ang binti ko. "Your lips. . ." At gamit ang isa niyang kamay ay hinaplos niya din ang labi ko. "And your eyes. . ." Halos pabulong niyang sabi at gamit ang likod ng kamay niya hinaplos niya iyon sa mga mata ko. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon