Saichi Salvatore
"Isang bangko na naman ng Makati ang napasok, mahigit isang bilyong piso ang nakuha ng sinasabing magnanakaw. Paano nga ba napasok ang bangko kung gayong secure na secure ito? Ating alamin, Gissele? Ano na ang balita?" Napailing kami pare-pareho sa balita.
Grabe talaga ang mga tao ngayon.
"Grabe naman ang mga 'yon, sana nagbanat na lang sila ng mga buto nila," Komento ni Mama.
Tama si Mama, dapat nagtrabaho na lang sila.
"Naku, mahal. Mukhang walang mga balak magbanat ng buto. Mahigit one billion ang kinuha, eh," Napailing-iling pa si Papa.
Tumayo na lang ako at pumunta sa kitchen, titingnan 'ko ang niluluto 'ko. Sinilip 'ko 'yon at hinalo, "Kumusta? Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong sa'kin ni Manang, lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"Hindi na po," Tumango lang siya at umupo sa high chair, "'Yung mga gamit mo? Naayos mo na ba?" Umiling ulit ako habang nakatalikod sa kaniya.
"Mamaya 'ko na po itutuloy ang pag-aayos after po nating kumain ng dinner," Tinikman ko ang niluluto 'kong sinigang.
"Mag-iingat ka roon, ha? 'Wag mong pababayaan ang sarili mo," Paalala sa'kin ni Manang, napangiti ako. 1 week lang naman akong mawawala at saka bakasyon 'yon.
Nag-aya kasi mga kaibigan 'kong mag bakasyon sa La Soledad Resort, nung una hindi ako pumayag kasi nga ayaw 'kong iwan ang trabaho but Papa and Mama was right, hindi 'ko pwedeng isubsob na lang ang sarili 'ko sa trabaho.
And 1 week lang naman kaya okay na 'yan, ngayon na lang din kasi kami ulit makukumpletong magkakaibigan.
"Opo naman po, kayo rin po Manang. 'Wag niyo po pababayaan ang sarili niyo," Hindi ko kadugo si Manang pero tinuring 'ko na rin siya na pamilya 'ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Pagkatapos ng yakapan ay hinila ko si Manang doon sa may lutuan, "Tikman niyo nga po ang sinigang 'ko, kung kulang po ba sa lasa or tama lang," Sumandok ako ng sabaw at hinipan after kong hipan at malaman na malamig na saka 'ko binigay 'kay Manang ang sandok para matikman niya.
Pagkatapos niyang tikman ay tumunghay siya sakin. "Tama lang, hindi matabang at hindi din maasim," Ngumiti ako, "Mas masarap ka magluto ng sinigang kaysa sakin, ah?" Pang-aasar sa'kin ni Manang, tumawa ako.
"Mas masarap po ang luto niyo," Pakikipag-talo ko.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...