015

85 14 0
                                    

Astrea Guevarra

Nakaupo lang ako at nakasandal sa pader malapit sa dulo ng hall. 'Yung mga kasamahan namin ay busy sa pakikipag-kwentuhan. 'Yung tatlo na si Saichi at 'yung kambal ay nasa baba.

Habang si Jorji, Shawn at Yuan naman ay nagluluto na para sa hapunan namin.

Sinilip ko ulit ang phone 'ko, nagbabakasakaling may signal na pero wala pa rin. Gusto 'ko na malaman kung ayos lang ba 'yung pamilyang naiwan 'ko sa labas.

Miss ko na kayo, Papa, Mama at Aron. Gusto 'ko na ulit kayong makasama at gusto 'ko na ulit tayong mabuo.

Sana ayos lang kayong tatlo diyan, hayaan niyo. Lalaban ako para sa inyo.

Minsan nga naiisip ko na sumuko na kasi hindi 'ko na talaga kaya pero kayo ang naiisip 'ko na baka kapag sumuko ako ay paano na kayo?

Ayoko pa kayong iwan.

"Nag-iisa ka na naman," Puna sa'kin ni Kylie.

Ngumiti lang ako sa kaniya habang nakatingin sa phone ko.

"Bakit ayaw mo ro'n?" Sabay turo niya sa pwesto ng mga kasamahan namin.

Umiling na lang ako.

"Kumusta na nga pala si Saji?" Pag-iiba ko ng usapan.

Simula kasi nung bumalik sila rito ay hindi na namin siya makausap. Oo, nakakausap pa rin namin pero tipid siya sumagot.

"Ang cold. . ." Sagot niya.

Napailing na lang kami pareho. Sigurado akong malaki ang epekto ng pagkawala ni Sean sa kaniya. Labidabs niya 'yon, eh.

"Sa tingin mo, buhay pa ba si Sean?" Tanong ko.

Mabilis na umiling si Kylie.

"Meron bang mabubuhay sa gano'n? Nakulong ka kasama ang maraming zombies, mabubuhay ka pa ba?"

Napabuntong-hininga ako.

Hindi na namin natuloy dahil tinawag na kami ni Jorji para kumain.

Sabay kaming tumayo at pumunta sa pwesto kung saan kami kumakain. Lahat kami ay nandito na maliban kay Saichi, Yuan at do'n sa kambal.

Nakakapanibago, ang tahimik. Dapat naman kasi talaga tahimik para walang makarinig sa'ming infected pero yung ngayon? Iba 'to, eh.

Hindi kami ganito dati.

Dumating na rin naman yung apat kaya nagsimula na kaming kumain, wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng katahimikan.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok naman kami sa isang kwarto at doon na nagkulong. Oras na ng pagtulog.

Lahat kaming mga babae ay nasa gitna at yung mga lalaki naman ay kaniya-kaniya na ng pwesto sa mga gilid. Si Yuan at Hades ay nasa kanang bahagi ng bintana. Si Edward at Blaster naman ay nasa kaliwang bahagi ng bintana.

Si Dark at Dash ay naka pwesto sa malapit sa unahang pinto. Si Jinx at Cyan ay nasa hulihang pinto.

Si Shawn naman ay kabilang na sa pwesto namin, inaalagaan talaga namin si Shawn dahil siya ang nagsisilbing doctor sa grupo.

Habang nakaupo kami ay nakaisip ako ng kalokohan, I think?

Kinuha ko ang phone 'ko saka 'ko sinandal 'yon sa isang water bottled.

Clinick ko 'yung video saka 'ko ini-start.

Kitang-kita ko na ang sarili 'ko at 'yung ibang mga kasamahan namin. 'Yung mga nasa gilid lang ang hindi kita.

Nagsisilbing liwanag sa'min ay 'yung buwan.

"Ano 'yan, Astrea?" Tanong sa'kin ni Saichi.

Umiling lang ako at ngumiti.

"Remembrance 'to, kapag namatay tayong lahat ay may video silang panonoorin,"

Tumawa ako. Hinampas naman agad ako ni Saichi sa balikat.

"Gaga ka talaga, wala ngang mamamatay sa'tin,"

Umiling ako.

"Hindi ka sigurado, nandito tayo sa loob at nakukulong kasama ang mga zombies. May mamamatay at mamamatay sa'tin," Biro lang sana 'yon pero sineryoso naman ni Saichi.

Binatukan nila akong lahat, nakikinig na pala sila sa'min.

"Joke lang naman, eh," Saad ko habang nakanguso. Napailing na lang silang lahat.

"Kaya ako nag-vivideo ay para makita ng buong mundo kung gaano tayo naghihirap, para na rin matulungan nila tayo. 'Diba?" Explain ko.

Sumang-ayon naman silang lahat.

"Kapag nagkaroon na ng signal, ipo-post 'ko 'to," Dagdag ko.

Napa, "Ahh", silang lahat.

"Ang tanong, kailan magkakaroon ng signal?" Tanong ni Elyse na napadismaya sa'ming lahat.

"Ngayon, may signal na ngayon!" Tuwang-tuwang saad ni Saichi.

Lahat kami ay kinuha ang mga phone para tingnan. Meron na nga!

Agad kong minessage sila Mama at Papa. Hindi 'ko na muna binasa ang message nila sa'kin.

'Kay Papa ako nagmessage kasi sigurado ako kapag 'kay Mama ay baka mahimatay 'yon.

"Papa, hindi po muna ako makakauwi. Nagkaroon po kasi ng problema rito sa resort na pinuntahan namin. Kayo na po muna ang bahala 'kay Mama at 'kay Aron. Mahal na mahal 'ko po kayong tatlo,"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon