Dash Ramirez
Para akong tinakasan ng dugo sa sobrang bilis ng patakbo ng kapatid 'ko.
Ngayon lang talaga ako nakasakay sa kotse na si Dark ang nagmamaneho.
Kasi simula nang ipanganak kami, ayaw na ayaw niyang may sasakay sa sasakyan niya.
Lalo na kapag ako ang makikisakay sa kaniya, kahit na umuulan ay hindi niya ako papayagan.
Bibigyan niya ako ng pera para raw makapag-commute ako.
Wala pa ako sa legal age no'n, kaya simula nang malaman nila Mom and Dad. Kumuha sila ng driver tapos 'yon, hatid sundo ako ng driver namin.
Pero ngayon na may sariling kotse na ako, hindi 'ko na need magpahatid-sundo.
"Puta, ito ata ang ikamamatay 'ko," Mangiyak-ngiyak na bulong ni Troy.
Napakahigpit ng kapit niya sa gilid, takot mahulog.
Kanina nga ay tumumba kaming tatlo dahil sa biglaang liko ni Dark.
Hindi naman sa biglaan kasi nagsabi naman siya pero pwede na ring biglaan dahil hindi kami handa nung lumiko siya.
Lagapak kaya kaming tatlo, buti hindi kami nahulog.
Nilingon 'ko ang paligid.
Puro patay. Nagkalat ang mga katawan at dugo.
Pinunasan 'ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi 'ko.
Naalala 'ko na naman sila Mom and Dad. Kung paano nila isakripisyo ang sarili nila para sa kaligtasan naming magkakaibigan.
Kung paano ngumiti sa akin si Mom sa huling sandali.
Sumandal ako habang nakatingala sa madilim na kalangitan.
Sa wakas, matatapos na lahat ng paghihirap naming lahat.
Sa wakas, makakaalis na kami rito.
Mom, Dad. Kung nasaan po kayo, I hope na proud kayo sa amin dahil sa kabila ng mga nangyari at napagdaanan namin ay hindi kami nawalan ng pag-asa.
Sana proud kayo sa akin kasi kahit na gusto 'ko nang sumuko dahil sa nangyari sa inyo, ito ako.
Nakasakay sa sasakyan kasama ang kambal 'ko at malapit na kaming lumabas.
Sana proud kayo 'kay Dark, mas mahirap po ang pinagdaanan niya. Siya ang nagdedesisyon sa mga hakbang namin, siya ang umiisip ng paraan para makalabas kami. Siya ang nandiyan nung wala akong makakapitan, siya ang nagpoprotekta sa aming lahat.
Pasensya na po kung hindi namin kayo mabibigyan ng maayos na libing. Hindi na po kakayanin ng oras namin, eh.
Nilingon 'ko 'yung dalawa, nakatitig na silang dalawa sa akin habang nakangiti kaya nginitian 'ko rin sila.
"Ihanda niyo na sarili niyo, sigurado akong uulanin kayo ng mura mamaya. Alam nilang kalaban kayo," Tumawa ako.
Tumawa rin sila.
"Handa na ako, hindi 'ko lang alam 'kay Troy," Pang-aasar ni Krishler.
Bumuntong-hininga si Troy kaya mas lalo kaming natawa dahil bakas sa mukha niya ang takot.
Inabot 'ko ang balikat niya pagkatapos ay tinapik 'yon.
"Huwag kang matakot, mababait ang mga kaibigan 'ko. Hindi ka naman nila siguro sasaktan, magsorry na lang kayo or pakita niyo na ibang-iba na kayo sa Troy at Krishler na unang kita namin,"
Sumang-ayon sila sa sinabi 'ko.
Sa sobrang bilis ng takbo ay hindi 'ko nalamayan na nakalabas na pala kami kung hindi pa bumundol ang sasakyan sa puno.
![](https://img.wattpad.com/cover/330036660-288-k147917.jpg)
BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Ficção CientíficaWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...