037

59 11 0
                                        

Saichi Salvatore

Nakatigil lang kami pareho ni Dash sa isang tabi, parehong nakikiramdam sa paligid.

Nakarinig kasi kami ng kaluskos sa gilid, hindi muna kami tumakbo dahil kapag tumakbo kami ay maririnig ang mga hakbang namin. Lalo lang kaming hahabulin.

Kinakabahan man ay hindi ako gumalaw, nakakapit ako sa dulo ng damit ni Dash habang pinipigilan gumawa ng kahit na anong ingay.

Ready na sana si Dash magpaputok kung hindi lang sumulpot ang isang napaka-cute na pusa.

"Meow!"

Lumapit siya sa akin at saka kinuskos sa akin ang balahibo niya.

Pareho kaming nakahinga ng maluwang bago ako nagswat at hinimas ang ulo ng pusa.

"Pinakaba mo kami ni Dash, ikaw talaga,"

Hindi na rin kami nagtagal doon dahil kinailangan na naming umalis para hanapin si Dark.

Bitbit 'ko 'yung pusa, naaawa kasi ako kapag naiisip 'kong maiiwan siya ro'n tapos gagawing pagkain ng mga zombies. Kawawa siya.

"Mahilig ka pala sa pusa?" Dash said.

Tumango ako habang nakangiti sa pusa na nasa may dibdib 'ko, nakapatong siya sa isang braso 'ko kaya si Dash ang may hawak ng baril 'ko.

"Oo, lalo na kapag color black. Ang cute kaya nila saka pampaalis daw ng masasamang spirit 'yung ganoon, nakakapagtaka nga dahil yung iba ay takot sa mga itim na pusa. Sinasabi nilang malas daw 'yon," Kwento ko at nakinig lang naman siya sa akin.

"Tumatanggap ka ba ng white cat?"

Tiningnan 'ko tuloy "yung natutulog na pusa sa braso 'ko.

Color ginger 'yon, parang si garfield. Ang pinagkaiba nila ay mataba si garfield at ito naman ay payat.

"Basta pusa", sagot ko.

"Meow!"

Nagulat ako kaya agad akong napalingon sa kaniya.

Umingaw ba siya?

"Dash?" Paniniguro ko pero ang kumag umingaw muli.

Hindi 'ko na napigilang mapahagalpak ng tawa, siya naman ay napakamot sa batok niya.

"Anong trip mo?" Patuloy pa rin ako sa pagtawa.

Nagising na nga 'yung pusa sa ingay 'ko, eh.

Ito kasing lalaking ito, kung ano-ano naiisip.

"Hindi mo ba napapansin?" Sa tono ng tanong niya ay seryoso siya kaya tumigil ako sa pagtawa at nakinig sa kaniya.

Minsan talaga, ang weird nito. Sa ugali ng kambal niya ay baliktad ang kaniya.

"Araw-araw, gusto 'ko kasama mo ako palagi  kung saan ka pumunta. Palagi akong nakadikit sa'yo, ni ayaw 'ko na ngang humiwalay sa tabi mo. Hindi mo ba napapansin? Kapag si Dark na ang kasama mo, wala ako. Minsan, nakikisali na lang ako kasi gusto 'ko palagi akong nasa tabi mo,"

"Saichi, ni minsan hindi pumasok sa isip 'ko na magugustuhan mo ako pero heto. Pinipilit 'ko pa rin ang sarili 'ko sa'yo. Kulang na nga lang ay hilingin 'kong ikabit mo ako riyan sa balakang mo para hindi na tayo magkahiwalay,"

"Kasi ako? Kahit anong mangyari ay hindi ako aalis sa tabi mo. Mananatili ako sa'yo kahit na nasasaktan na ako,"

"Nasasaktan ako sa tuwing kasama mo ang kapatid 'ko. Dito. . . kumikirot 'yan,"

Tinuro niya ang kaliwang dibdib niya bago pinaghahampas.

"Sobrang sakit nito kapag nakikita 'kong masaya ka sa kaniya, masaya ka rin naman kapag ako kasama mo pero iba ang saya na nakikita 'ko kapag siya na ang kasama mo,"

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon