011

115 13 0
                                        

Jorji Martinez

Naghiwa-hiwalay na kaming lahat. Ang mga kasama ko ay sina Astrea, Hades, Monica at Sage.

Maglalakad-lakad muna kami, hahanap kung saan merong survivors. Sigurado naman kaming meron kaming makikita, mga nagtatago lang sila.

"Lalakad muna tayo, Jorji? Hindi ba natin papasukin 'yung mga kwarto?" Tanong ni Astrea. Lumingon ako sa kaniya pero tumingin ulit ako sa dinadaanan namin.

"Sa tingin niyo? Ligtas ba kapag pinasok natin yang mga kwarto na 'yan?" Mahinahong tanong ko. Inayos 'ko rin ang pagkakatanong 'ko baka kasi isipin nilang galit ako.

Lumingon kaming lahat doon sa mga kwarto.

Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ito kung nasaan kami.

Lumakad ako sa harapan ng mga kwarto at sumilip sa mga bintana. Wala naman akong nakitang kahina-hinala kaya dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto.

Lumingon muna ako sa mga kasamahan ko, lahat sila ay nag-aabang sa mangyayari.

"Alalayan niyo ako,"

Pagbukas ko ng pinto ay hindi muna ako sumilip. Bumilang ako ng sampung segundo saka ako sumilip. Laking gulat 'ko na may biglang sumulpot sa gilid 'ko at hinawakan ang ulo 'ko kaya hindi agad ako nakalaban.

Pinilit kong hindi gumawa ng ingay. Magaling ang kaharap 'kong infected ngayon. Akmang kakagatin na sana niya ako pero pinana na agad siya ni Hades, sapul sa ulo.

"Salamat," Saad ko saka inayos ang sarili 'ko.

Tumango lang siya sa'kin.

Shawn Harvor

"Gago, 'wag ka ngang kumapit sa braso 'ko, nahihirapan ako," Angal ni Yuan kay Kylie.

Kanina pa talag sila diyan. Wala nang ginawa si Yuan kundi magreklamo si Kylie naman ay todo kapit sa braso ni Yuan. Kitang-kita ko sa mukha ni Yuan na hirap na hirap na siya, natawa na lang ako.

Sa bigat ba naman ng hawak niya. . . machine gun tapos kumakapit pa si Kylie sa braso niya.

Ewan ko sa kanilang dalawa, bahala sila diyan.

Pumasok kami sa isang maruming mga cottage, halatang may mga nangyari talaga ditong hindi maganda. Marami ang mga patay, may mga tama.

"Ayo'n, oh! Mga armas, pwede nating gamitin,"

Lumingon ako kay Kylie na tumatakbo papalapit sa isang cottage. May mga grupo roon na mga may tama na, may tig-iisa rin silang mga hawak na baril.

Sumunod kaming dalawa ni Yuan kay Kylie at tumulong manguha ng mga armas. Naghanap ako ng pwedeng paglagyan, nakakita ako malapit sa may pool kaya lumakad ako papalapait doon at pinulot 'yon.

Paalis na sana ako pero may narinig akong humihingi ng tulong, "Tulong! Tulungan niyo ako! Maawa kayo!" Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses.

May nakita akong nakahiga malapit sa mga damuhan. Hindi agad ako lumapit sa kaniya baka kasi all-rounders 'to, magaling magpaikot ang mga 'yon.

Tinitigan ko siya, nakita 'ko ang kamay niya na puno ng dugo na hawak ang kaniyang tyan.

May tama rin siya.

"Tulungan mo ako, please," Saad niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.

"W-Wala akong kagat, nabaril ako nung i-isang zombie. Nakailag ako at pumunta rito para makatakas sa kaniya," Sigurado akong all-rounders ang bumaril sa kaniya. Pero bakit hindi siya chineck kung patay na ba talaga siya?

La Soledad Resort Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon