Third Person
Sa loob ng napakadilim na silid, maririnig mo ang bawat hikbi ng isang babae na hinang-hina na nakatali sa upuan.
Puro sugat at pasa ang buong katawan niya, gumuguhit na rin ang tali na nakapulupot sa mga paa at kamay niya.
"Hays, bakit ayaw sumagot ni Mark? Napakatagal talaga kumilos no'n!" Bulyaw ni Kayn.
"Kalma ka lang, boss. Panigurado naman ay nakapasok na si Mark sa loob, baka nga nagawa na niya ang inuutos niyo," Pagpapalubag-loob ni Krishler kay Kayn.
Pero, hindi nabawasan ang inis na nararamdaman ni Kayn kaya bumaling siya sa babae na nakaupo, roon niya binuhos lahat ng inis niya sa pinsan.
Walang awa niyang pinagsasampal ang babae.
"Kung nagsalita ka na sana agad ay hindi ako mahihirapan ng ganito! Kasalanan mo lahat ng ito!"
Inawat siya ni Krishler at Troy.
"Tama na, boss,"
Kitang-kita mo ang awa na nasa mga mata ni Troy at Krishler pero wala silang magawa dahil boss nila 'yon at isa pa, baka sila ang pagbalingan nito.
"Bitawan niyo ako!"
Sinipa nito ang isang lata na nasa gilid kaya naglikha iyon ng matinding ingay.
Humarap siya sa dalawa.
"Ayusin niyo 'to, kailangan pagbalik 'ko mamaya. Wala na yang babae na 'yan dito. Kapag nakita 'ko pa 'yan mamaya, sama-sama 'ko kayong papatayin. Naiintindihan niyo?"
Nag-alangan man ang dalawa ay agad ding tumango.
Kinuha ni Kayn ang phone niya sa bulsa saka pumasok sa isa pang silid.
Nagkatinginan ang dalawa, hindi mawari ang gagawin.
Inabot ni Krishler ang baril 'kay Troy.
"Tangina, hindi 'ko kayang gawin ang utos ni boss,"
Tinulak naman agad ni Troy 'yon at bahagya pang umatras.
"Mas lalo naman ako. Kaya 'kong sapakin, sipain o sampalin yang babae pero hindi 'ko kayang patayin 'yan,"
Bumuntong-hininga silang dalawa at sabay na tumingin sa babae.
"Kung pakawalan kaya natin?" Nag-aalangan na tanong ni Troy.
Humarap sa kaniya si Krishler at umiling.
"Kapag nalaman ni boss na pinakawalan natin siya, tayo ang malilintikan sa kaniya,"
"Eh, anong gagawin natin? Hindi natin kayang pareho na gawin inuutos niya,"
"Bakit naman kasi kailangan pang gawin 'yon?" Reklamo pa ni Troy.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo.
Si Troy na rin ang bumasag sa katahimikan na 'yon.
"Sumama na lang tayo sa kaniya papunta sa grupo nila Dark?" Desididong saad ni Troy.
Mabilis siyang binatukan ni Krishler.
"Tanga ka ba? Gusto mong maagang mamatay? 'Diba nga hina-hunting nila boss 'yung grupo nila Dark? Kapag sumama tayo, mamamatay din tayo," Inis na paliwanag ni Krishler.
Pareho silang namomroblema kung anong gagawin sa babae. Ang hindi nila alam, paunti-unti nang natatanggal ng babae ang pagkakatali sa mga kamay niya.
"Ikaw na muna ang bahala rito, Troy. May kukunin lang ako sa baba," Paalam ni Krishler, tumango si Troy at naupo sa upuan na kaharap lang ng babae.

BINABASA MO ANG
La Soledad Resort
Science FictionWhat if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya at excitement? Marami ang may gustong maging totoo ang lahat ng movies at isa na ako ro'n, gusto 'ko...